Advertisers

Advertisers

Adamson umusad sa UAAP girls’ beach volley semis

0 51

Advertisers

TINALO nina Maegan Pineda at Ella Gonzalvo ng Adamson University ang duo ng University of the Philippines Integrated School na sina Anya Capus at Niña Abad, 21-9, 21-5, Huwebes upang makapasok sa semifinals sa UAAP Season 88 girls’ beach volleyball sa Sands SM By The Bay sa Lungsod ng Pasay.

Nanalo rin ang defending champion na National University Nazareth School at Far Eastern University-Diliman upang makasama ang unang semifinalist na University of Santo Tomas.

Dinaig nina Faith Mangyao at Alaiza Candelario ng NUNS sina Janella Mangahis at Nicole Agustin ng University of the East, 21-13, 21-8.

Nangibabaw sina Franz Premaylon at Alexa Amana ng FEU-D laban kina Aislinn Alemaña at Tessa Bonafe ng De La Salle-Zobel, 21-16, 21-12. Nakipagsosyo si Premaylon kay Claire Bongo sa gabi, at kanilang nilupig sina Louise Atienza at Ainsly Santiago ng Ateneo, 21-13, 21-11.

Magkapareho sa 5-1 na tala sina Adamson, NUNS at FEU-D, habang ang UPIS at DLSZ ay may 2-3 na tala.

Pinagtagumpayan nina Cheng Dadang at Angelica Del Mar ng UST ang mga UPISbets na sina Capus at Abad, 21-7, 21-9, upang manatiling perpekto pagkatapos ng anim na laro.