Advertisers

Advertisers

ALBERT MAWAWALA NA SA ‘BQ’

0 72

Advertisers

Ni Beth Gelena

Pinaghahandaan na ni Albert Martinez ang pagkawala ng kanyang karakter sa Batang Quiapo bilang si Vice Mayor Guerrero ng Maynila.

Kapag nawala na raw siya sa nasabing aksyonserye na pinagbibidahan ni Coco Martin, ay hindi raw muna siya tatanggap nang anumang project dahil igugol muna niya ang kanyang oras sa pamilya.

Aniya, “more time for myself, for my grandchildren, and for my kids.”

Naiintindihan naman ng supporters ng aktor ang kanyang dahilan.

“Need nya rin talaga ang pahinga. After nga naman ng Lavender Fields noon ay agad na siyang sumalang sa BQ.”

“Isa sa premyadong aktor, isa din sya sa mga alamat ng pelikulang tabing”

“Lagi Naman may teleserye Yan, mahusay Kasi gumanap sya.kahit Anong role kaya Yan emotivate at napakagaling na artista.the best.”

“tumatanda na rin siya.masyado siya stress sa role nya.”

“Mapakontrabida, bida,,, galing mo tlga sir albert M.”

“General’s daughter ang pnakabest n role nya for me”

“Oh no! Ang galing nia eh.. cool na cool kahit galit na galit ang pogi pa rin”

“Kamukha nya si Jericho dyan

Kung eto nkatuluyan ni Sharon siguro di ng iiyak si Sharon hanggang ngayon sila pa.”

“Actually, sandali lang tlg dapat ang role ni Albert sa BQ, pero humaba dahil maganda ang feedback ng viewers. Pagkaka alam ko din e gusto nya na mag retire para mag focus sa family.”

Tanong naman ng isang fan, “Is it Goodbye?”

“matatapos na BQ e kaya isa2 na nawawala ang magagaling na actor dyan..magaling si albert sa kanyang role galit na peru cool pa din sya..”

“Mabuti pa si Albert khit Hindi nkk sawa panoorin . kusang umaalis. yun iba khit nkk umay na ayaw pa umexit”

“We Love you idol .. Ang Pinaka Idol ko sa ABS, DALAWA SILA NI JM DEGUZMAN I MISS THEIR CHEMISTRY “