Advertisers

Advertisers

HOUSE BILL NO. 136 NI CONG. PANALIGAN PARA I-CONVERT ANG OMPH AT GAWING MIMAROPA REGIONAL HOSPITAL, APRUBADO NA SA KAMARA

0 252

Advertisers

Sa ginanap na deliberation ng House Committee on Health nitong biyernes Pebrero 20, sa panukalang batas na iniakda ni Oriental Mindoro 1st District Representative Arnan C. Panaligan, ang House Bill No. 136 o ang pag-convert ng kasalukuyang Oriental Mindoro Provincial Hospital o OMPH na gawing MIMAROPA Regional Hospital sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH), ay inaprubahan na ng Kamara sa unang pagbasa. Pagkatapos nito, ay eendorso ito sa plenaryo para sa pangalawa at pangatlong pagbasa bago e-endorso sa Senado.

Ang nasabing panukala ay na-aprubahan na noong 18th at 19th Congress ngunit hindi na-endorso sa Senado dahil sa pagtutol ng Pamahalaang Panlalawigan ang binigyan diin ni Cong Panaligan.

Ayon sa mga mambabatas, panahon na upang magkaroon ng DOH hospital sa Oriental Mindoro at sa MIMAROPA Region at ang pag-upgrade ng OMPH ang pinakamabilis at pinakamainam na solusyon sa usaping ito.

Kapag naisabatas, kaya umano nitong tugunan ang kakulangan sa pasilidad, modernong kagamitan, at medical specialists na dahilan kung bakit napipilitang magpagamot ang mga Mindoreño sa Batangas at Metro Maynila.

Sa conversion ng OMPH, inaasahang madaragdagan ang bed capacity, magkakaroon ng mas makabagong kagamitan, at mahihikayat ang mas maraming doktor at espesyalista.

Malaking ginhawa umano ito lalo na sa mga mahihirap na pamilya at makikinabang din dito ang Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Panahon na upang magkaroon ng DOH Hospital sa Oriental Mindoro at ang conversion ng OMPH ang pinakamabilis na sulusyon sa usaping ito. Mismo!

Nakakapanghinayang kung hindi lang tinutulan ng gobernador isang taon na sanang may DOH Hospital ang Oriental Mindoro.

Halos aprubado na noong nakaraang taon ang panukalang i-convert ang OMPH bilang MIMAROPA regional hospital sa ilalim ng Department of Health (DOH), Pero hindi ito natuloy matapos tutulan ng Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor.

Kung hindi ito nahinto, isang taon na sanang napakinabang hindi lang ng mga taga Oriental Mindoro, Kundi ng mga taga Occidental Mindoro Marinduque, Romblon at Palawan ang mas mataas na antas ng serbisyong medikal.

Ano ba ang Ibig sabihin ng Conversion?

Kapag naging DOH hospital ang OMPH:

Direkta na itong popondohan ng national government

Mas lalaki ang budget para sa kagamitan at pasilidad.

Mas maraming doktor at espesyalista

Mas maraming libreng serbisyo para sa mga mahihirap kasama na rito ang Zero Balance Billing, kung saan ang mga indigent na pasyente ay wala nang babayaran sa confinement at operasyon.

Sa madaling salita: mas malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap.

Bakit mas praktikal ang Conversion?

Ayon mismo kay DOH SEC. Teodoro Herbosa, mas mainam na i-upgrade ang kasalukuyang provincial hospital dahil:

1. Gumagana na ito
2. May health workers na
3. May existing na pasilidad
4. Mas mabilis kumpara sa pagtatayo ng bago
5. Hindi na kailangang magsimula sa wala.

Nagtataka lang tayo bakit hindi ito sinusuportahan ng Gobernador?

***

Anumang reaksyon o suhestiyo i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com