Advertisers

Advertisers

Komedyanteng senador

0 77

Advertisers

NAWALA ang stress ko sa pagtatrabaho nang mabasa ko itong post regarding sa mga pinagsasabi ni Senador Rodante Marcoleta.

Sukat ba namang sabihin niyang siya ang tagatuwid ng mga maling ginagawa o statement ng ilang senador at ilang retiradong eksperto sa batas.

Pakinggan natin ang kanyang mga sinasabi:

“Yung mali ni Justice (Antonio) Carpio, tinutuwid ko.

Yung mali ni Sen. (Ping) Lacson, tinutuwid ko.

Yung mali ni (Jay) Tarriela, tinutuwid ko…

Napakarami kong itutuwid ngayon. Hindi ko aam kung kailan ako matatapos. Dito ngayon ako abalang-abala”

Laking tawa ko sa mga tinurang ito ni Marcoleta. Hahaha…

Matatandaan na hinamon ni Marcoleta ng debate sina Carpio, retired Supreme Court Associate Justice; at Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, hinggil sa sakop at mapa ng West Philippine Sea.

Iginigiit kasi ni Marcoleta na hindi maaring angkinin ng Pilipinas ang WPS dahil wala naman daw akmang sukat at mapa kung hanggang saan ang sakop ng Pilipinas. Hinamon niya ng debate sa isyung sina Carpio at Tarriela. Nang tanggapin ng dalawa ang hamon ng mambabatas, umatras ang huli. Nang-bully lang pala. Hahaha…

Sinabi pa ni Marcoleta na idedemanda niya ng treason si Carpio dahil ibinigay daw nito sa China ang ilang bahagi ng Pilipinas sa WPS.

Nang magpaliwanag si Carpio, biglang atras si Marcoleta. Hindi nya na raw idedemanda si Carpio, at dineklara niyang “guilty” si Carpio. Hahaha…komedyanteng senador!!!

Kinontra rin niya ang mga paliwanag ni Lacson na ang WPS ay talagang nasa exclusive economic zone ng Pilipinas na inayunan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa 2016 Arbitral Ruling.

Naalala ko nung kinatawan si Marcoleta ng SAGIP Party-list nang i-interpolate niya si late Congressman Edcel Lagman ng Albay hinggil sa “till death do us part” na ito raw ay nasusulat sa Biblia.

Iginiit ni Lagman na ito’y wala sa Biblia. Hinamon niya si Marcoleta na maglabas ng proof na ito’y nakasaad sa Biblia na “kamatayan lang ang makapaghihiwalay” sa mag-asawa.

Biglang bawi sa kanyang interpolation si Marcoleta. Mahina raw kasi ang internet sa loob ng session hall kaya ‘di niya maipakita ang salitang “till do us part” sa Biblia.

Napasimangot nalang si Edcel. Hehehe

Si Marcoleta, ayon kay Carpio, ay isang low lebel lawyer. Hahaha…

Hindi nakapagreak sa sinabing ito si Marcoleta. Boom!

***

Putok ngayon sa social media ang Sara-Robin (SaRo) 2028.

Oo! Si Senador Robin Padilla raw ang magiging running mate ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa 2028 presidential derby.

Say pa ni Robin, kapag inutusan daw siya ni ex-President Digong Duterte na tumakbong bise o maging running mate ni Sara ay susunod siya.

Reak ng netizens: Tatakbo pala si Robin para maging utusan lang ni Digong hindi para magsilbi sa mamamayang Filipino.

Si Digong ay isang taon nang nakakulong sa Netherlands.