Advertisers

Advertisers

SINDIKATO NINA KERNEL LAKAY, MEDIC AT EGAY, SINALAKAY!

0 2,020

Advertisers

PATULOY at hindi ningas-kugon lamang sana ang mga ginagawang pagsalakay ng mga kapulisan ni PNP Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas sa mga kuta ng sindikato na nag-ooperate sa kanilang hurisdiksyon.

PNP Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas at Batangas City Police Chief Lt Col Ira Morello

Matapos ang pag aresto sa limang katao ng sindikatong buriki/paihi sa Brgy. Banaba West Batangas City kamakailan ay lumakas ang espekulasyon na hindi drama o moro-moro lamang ang ginagawang raid ng PNP Region 4A Office sa mga malalaking kuta ng smuggling and pilferage group tulad ng pinamumunuan nina alyas Kernel Lakay, alyas Medic at Egay.

Hindi kasama sa mga naaresto sina alyas Kernel Lakay alyas Medic at Egay sa mga arestado, may mga nakapag tip sa tatlo sa ginawang raid.

Bukod sa pagkaaresto sa limang suspek na pawang kinilala lamang ng pulisya sa kanilang mga alyas ay nakumpiska din sa kuta ng tatlong ilegalista ang halagang Php 4.6M na hinihinalang puslit at nakaw na produktong petrolyo, generator, water pump, isang tanker truck na may kargang kemikal na Methanol at iba pang kagamitan sa “buriki o paihi” operation na napakatagal ng nag-ooperate sa Batangas City.

Napag-alamang ginagamit ng sindikato ang Methanol na pangbanto sa mga nabawasang petrolyo na kargamento ng mga pinagnanakawang delivery tanker truck.

Sina alyas Kernel Lakay, alyas Medic at Egay at ang mga tauhan ng mga ito ay may isang taon ng nag-ooperate sa tapat ng Barangay Banaba West Integrated School sa naturang lungsod ngunit di inaaksyunan ng Batangas PNP Provincial Police Office, Batangas City Police Station at maging ng barangay chairman at mga barangay official.

May isa pang malaking kuta sina alyas Kernel Lakay na aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP), alyas Medic at Egay sa kalapit ng Brgy. Guinhawa Elementary School sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jeccerel Cerrado ngunit malaya ang mga ito na nakakapag-operate doon.

Ang isa pang sindikatong kumikilos din sa Batangas City ay matatagpuan sa kalapit ng Red Sun Beach Resort sa Brgy. Simlong kung saan itinatambak ang nakalalason at perwisyong uling (coal) na hinahakot ng dalawang beses kada buwan ng ocean going barges mula sa Indonesia.

Ang burikian na 24/7 na pinatatakbo ng isang alyas Balita at ang pagtatambak ng coal ay patuloy na inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Simlong at ng mga taga kanugnog na barangay ngunit tila “nagtataingang-kawali” sina Batangas City Police Chief Lt Col Ira Morello at Simlong Brgy. Chairman Rufo Caraig.

Nagkukuta sa bayan ng Ibaan ang sindikatong buriki/paihi ng isang alyas Sgt. Buny Mercado at sina alyas Roy at RR sa Brgy. San Felipe at Brgy. Bawi sa bayan ng Padre Garcia.

Noong nakaraang buwan ay sinalakay ng mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office ang isa pang kuta na kalapit ng “lungga” nina alyas Kernel Lakay, alyas Medic at Egay. Nakumpiska doon ang milyones ding halaga ng nakaw na petroleum product at tatlong tanker truck na pinagnakawan ng sindikato ng produktong petrolyo.

Maugong ang balita na nagkaroon ng “milyones na dahilan” kaya’t di naisama sa police report na ipinadala sa tanggapan ni BGen. Lucas sa Camp Vicente Lim, Laguna ang hinggil sa pagkakumpiska sa tatlong tanker truck. Kumakalat din ang balitang posibleng masibak na sa kanyang pwesto si BGen. Lucas?

May mga burikian din sina alyas Kernel Lakay, alyas Medic at Egay sa Quezon Province. Sina alyas Ponce at isang alyas Rico na nagpapanggap na intelhencia kolektor ng Quezon NBI District at Criminal Investigation Provincial Office ang tinutukoy na kapwa protektor sa buriki/paihi operation sa lalawigan ni Quezon Governor Angelina Tan. Kung totoo ang ulat, ay dapat na kumilos agad sina National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Atty. Melvin Matibag at CIDG Provincial Chief LtCol. Rix Villareal. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144