Advertisers

Advertisers

RA 9287 ANTI-ILLEGAL GAMBLING LAW, PINAGTATAWANAN LANG UMANO NG ILANG PULIS OPISYAL SA ORIENTAL MINDORO

0 65

Advertisers

NANAWAGAN ang grupo ng mga mananampalataya, kaparian at mga residente sa Oriental Mindoro kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla at PNP Chief, Jose Melencio Nartatez na paimbestigahan ang paglapastangan sa Republic Act No. 9287 o anti-illegal gambling na pinagtatawanan umano ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at LGUs sa nasabing lalawigan dahil lalo umanong naging talamak ang mga pasugalan tulad ng sugal sa peryahan at jueteng. at patawan ng parusa ang mga government officials na nagsisilbing protektor sa mga elimentong kriminal, lalo’t higit ang mga illegal vices operator na sangkot din sa talamak na operasyon ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng mga konsernadong grupo at mamamayan na napapanahon nang pasiglahin ang tila nailibing sa limot na implementasyon ng batas na nagpapataw ng mataas na parusa laban sa government officials o mga kawani ng gobyerno na mapapatunayang sangkot, protektor o tagapag-kanlong ng mga gambling operator, na may parusang pag-kabilanggo na 12 hanggang 20 taon at multa ng P3 million hanggang P5 million at habangbuhay na diskwalipikasyong manungkulan o magtrabaho sa pamahalaan.

Ayon sa mga mananampalataya, kaparian at mga residente, na wala ni isa mang matataas na opisyal ng pamahalaang lokal at mataas na opisyal ng kapulisan ang naparusahan simula nang pinagtibay ang R.A 9287 anti-illegal gambling law, ang batas na nag-amyenda, nagrebisa, sumusog at nagpaigiting sa dating malabnaw na Presidential Decree 1602 na nagpapataw ng mababang kaparusahan sa paglabag sa anti-gambling law sa bansa.

Tinukoy ng mga nagrereklamo ang lantad na sugal na kung tawagin ay Pergalan o perya-sugalan tulad ng ‘color games, beto-bito, drop ball (pingpong) baraha” na gabi-gabing pinagpipiyestahan ng mga sugarol at adik maging ng mga kabataan ang bayan ng Socorro, Bulalacao, Pola, Pinamalayan, Baco, San Teodoro, Gloria, Roxas, Bansud at Calapan City, Oriental Mindoro na may pinaka talamak na operasyon ng pergalan (peryahan na pulos sugalan) na sakit sa ulo ng mga tapat na ordinaryong pulis na walang magawa kundi ang manahimik dahil sa timbrado umano talamak na sugal sa tanggapan ni Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita sa pamamagitan umano ng isang aktibong pulis Sgt. Raymond at isang alyas Sgt Manalo naman ang gumagamit sa tanggapan ni PRO4B Regional Director PBGen. Jovencio Badua.

Ayon sa reklamo hindi lamang ang tanggapan nina Col Revita at Gen Badua ang “pasok” sa illegal gambling kundi maging ang CIDG-4B RFU.

Tututukan natin, May follow up pa!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com