Advertisers

Advertisers

Kayabangan ni Digong ebidensiya laban sa kanya

0 69

Advertisers

SA simula ng tatlong araw na pagbasa sa confirmation charges laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, ginamit ng mga prosecutor ang mga video ng mga statement ng dating pangulo na nag-utos para patayin ang mga “kriminal” at pagbibigay ng reward sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspects.

“Mr Duterte paid some of the DDS hitmen who were not police officers salaries by making them false employees of city hall that he ran as mayor. These were so-called ghost employees. They were put on the books but it was all a ruse. Their only job was to kill. It was Mr Duterte using the city government and the apparatus to fund his death squad,” diin ni Julian Nicholls, isang senior trial lawyer ng ICC.

Ang info na ito ni Nicholls, sa tingin ko, ay mula sa dating hitmen ng Davao Death Squad (DDS) na sina Edgar Matobato at ex-police Arturo Lascanas. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga testigo ng ICC laban kay Digong.

Hindi nakaporma ang defense team ni Digong sa mga inilatag na ebidensiya ng ICC prosecutors.

Ang tanging nasabi ng chief defense counsel ni Digong ay iuwi ang dating pangulo dahil mahal ito ng mga Filipino.

Sagot naman ng netizens sa sinabing ito ni Nicholas Kaufman, ang defense chief counsel ni Digong: “Ulol! Kayo lang ang nagmamahal sa tatay n’yong demonyo!”

Ang mga kayabangan ni Digong noong nasa kapangyarihan siya partikular noong naging Pangulo ang nagdidiin sa kanya ngayon para mabulok sa kulungan ng ICC.

“Mr. Duterte personally instructed their squad members that ther mission was to kill criminals, unsuspected criminals, including drug users and dealers, also referred to as drug pushers,” bira naman ni ICC deputy prosecutor Mame Mandiaye Niang.

Pinangalanan din ng prosecutors ang co-perpetrators ni Digong na sina Senador Bong Go at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ex-Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ex-PNP Chiefs Oscar Albayalde, Vicente Danao Jr, at Camilo Cascolan; ex-PDEA chief Isidro Lapena, at ex-NBI chief Dante Gierran.

Si Dela Rosa ay maglimang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko simulan nang ihayag ni Ombudsman “Boying” Remulla na may kopya na siya ng ICC arrest warrant laban sa senador.

Pero hindi ipinakita ni Remulla ang naturang arrest warrant. ‘Di raw kasi certified. Pero naglaho si Bato. Hahaha…

Si Go naman ay nakikiramdam pa. Mukhang magtatago rin. Hehehe…

Kapag nagkaroon nga ng ICC arrest warrant sina Dela Rosa at Go, at makulong din sa Plunder sina Sen. Joel Villanueva, Jinggoy Estrada at Chiz Escudero, bale limang boto ang mawawala kay VP Sara Duterte kapag umakyat sa Senate Impeachment Court ang isinusulong na impeahment laban sa kanya sa Kamara.

Oo! Iniakyat na sa Committee on Justice ang apat na impeachment articles laban kay Sara.

Mukhang ‘di na aabutin ng 2028 si Sara. Tsk tsk tsk…