Advertisers

Advertisers

HOLIDAY SA TANGUB CITY SA PEB. 28 — MALAKANYANG

0 12

Advertisers

Idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Pebrero 28, 2026 bilang special non-working day sa Tangub City kaugnay ng pagdiriwang ng ika-58 Charter Anniversary ng lungsod.

Sa bisa ng awtoridad ni PBBM, nilagdaan ni Exec. Sec. Ralph Recto ang Proclamation No. 1169 na nagtatakda ng naturang espesyal na araw ng pahinga para sa mga residente ng Tangub.



Ayon sa proklamasyon, nararapat lamang na mabigyan ng buong pagkakataon ang mamamayan ng Tangub na makilahok at makiisa sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo bilang isang lungsod.

Nabatid na nilagdaan ang Proclamation No. 1169 noong Pebrero 20, 2026, bilang pagkilala sa mahalagang kasaysayan at patuloy na pag-unlad ng Tangub City sa lalawigan ng Misamis Occidental. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">