Advertisers

Advertisers

Senior Citizens Partylist, hinirang na Top Performing at Most Trusted Partylist

0 11

Advertisers

Binigyang pagkilala sa katatapos lamang na Gawad Pilipino – Media People’s Choice Awards ang Senior Citizens Partylist bilang Top Performing at Most Trusted Partylist in the Philippines nitong November 11, 2026 na ginanap sa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officers Clubhouse, Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Taos pusong nagpasalamat si Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa ginawang pagkilala ng mga bumubuo ng Gawad Pilipino – Media People’s Choice Awards bunsod ng patuloy na ginagawa ng partylist na maitaguyod ang kapakanan at karapatan ng sektor ng nakatatanda.

Ito rin ang dahilan kung kayat patuloy na umaani ng parangal ang Senior Citizens Partylist dahil sa ipinakikitang tulong at suporta gaya ng mga medical missions sa hanay ng mga senior citizen sa bansa.



“Makaka asa po kayo na mas lalo ko pang pag iibayuhin at palalawakin ang paglilingkod at paggawa ng mga napapanahon at angkop na batas para sa ating mga lolo’t lola habang silay nandito at kasakasama pa natin,” saad pa ni Cong. Ordanes.