Advertisers

Advertisers

RAPE CASE LABAN SA WHISTLEBLOWER BABALEWALAIN NG DOJ?

0 2,630

Advertisers

Sa pakiwari ng babaeng nagdemanda laban sa whistleblower na babalewalain ng DEPARTMENT of JUSTICE (DOJ) ay nagpasaklolo na ito sa CITIZENS CRIME WATCH (CCW) para sa pagkamit ng hustisya sa sinapit niya noong siya’y minor age pa lamang.

Ang biktima na itinago sa pangalang “GRACE” ay dumulog kamakailan sa CCW dahil sa pananaw nito na hindi papansinin ang kaniyang idinulog na demanda laban kay JULIE “DONDON” PATIDONGAN.., kasi nga naman ay etong si PATIDONGAN ang WITNESS ng DOJ laban sa isang maimpluwensiyang GAMBLING LORD (GL) na si ATONG ANG hinggil sa kontrobersiyal na missing sabungeros.

Ang STATE WITNESS na si PATIDONGAN ay kinasuhan ni GRACE ng RAPE, SEXUAL ABUSE at SERIOUS ILLEGAL DETENTION na nangyari umano noong 16-anyos pa lamang ang huli.

Gayunman sa pakiwari ng biktima ay tila walang pag-usad sa inihain nitong kaso kaya nababahala ngayon na mababalewala ang kaniyang inaasam na hustisya.., dahil maimpluwensiya umano si PATIDONGAN bukod sa ito ay protektado na ng gobyerno bilang witness laban sa napakaimpluwensiyang GL sa ating bansa.

Sa sitwasyon ngayon ni GRACE ay tiniyak naman ng CCW ang buong suporta para makamit ng una ang hustisya at mapanagot ang naging pagsasamantala sa kaniya ni PATIDONGAN noong siya ay minor age pa lamang.

Ang CCW na ang CHAIRMAN ay si ATTY. FERDINAND TOPACIO ay nakatuon sa pagsuporta ang kanilang grupo sa pagkakaloob ng legal assistance, moral support at personal counseling para sa biktima.

Hindi nga naman maiaalis na magduda ang biktima sa sitwasyon ng kaniyang pagdedemanda.., kasi nga ay si PATIDONGAN ang susi ng DOJ para maidiin sa kasong MISSING SABUNGEROS si ATONG.., pero dapat ay ibang aspeto ang kasong ito at iba naman ang kasong idinulog ng biktimang si GRACE laban sa umano’y nagsamantala ng kaniyang kabataan o sa kaniyang pagiging minor age.

Ika nga ay dapat mapanagot si ATONG base sa mga ebidensiyang ihaharap laban sa kaniya ng mga nag-aakusa.., at si PATIDONGAN ay kailangan ding harapin ang iniaakusa sa kaniya nitong si Grace!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.