Advertisers

Advertisers

P112-M SHABU, NASABAT NG BOC-NAIA; MALAYSIAN NATIONAL, ARESTADO SA NAIA TERMINAL 1

0 15

Advertisers

ARESTADO ang isang Malaysian national kasabay ng pagkakasabat ng mahigit P112 milyong halaga ng shabu ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA), sa NAIA Terminal 1 nitong February 28, 2026.

“The baggage of the arrested individual was flagged by Customs personnel for inspection, which led to the discovery of the illegal drugs concealed inside his checked-in luggage. Authorities recovered approximately 16.526 kilograms of white crystalline substance suspected to be Methamphetamine Hydrochloride, commonly known as shabu, with an estimated standard drug price of P112,376,800,” ani Atty. Yasmin Mapa, BOC-NAIA District Collector.

Katulong din umano sa operasyon ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at NAIA–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA–IADITG).

Ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang nasabing operation ay alinsunod sa malinaw na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga.

“Patuloy nating pinatitibay ang ating pagbabantay sa mga paliparan at pantalan. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating mahigpit na koordinasyon at dedikasyon upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Ang suspect ay isinailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Section 4, Article II of Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyang-diin naman ni Atty. Mapa na patuloy lamang silang magsisikap na protektahan ang borders ng bansa at paigtingin ang pagbabantay laban sa smuggling ng illegal drugs sa pamamagitan ng ports of entry sa bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)