Advertisers
ARESTADO ang isang babae nang makuhanan ng tinatayang P204 million halaga ng shabu sa buy bust operation sa Barangay BF International, Las Piñas noong Sabado, Setyembre 19.
Batay sa operasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensiya, naaresto ang 40 anyos na babae na si alyas “Girlie”, isang high value target.
Narekober sa babae ang 30 kilo ng shabu.
Nasa kustodiya ng Las Piñas City Police Station ang babae para sa kaukulang dokumentasyon. Nakatakda itong ilipat sa Camp Crame.(Mark Obleada)