Advertisers
SA kriminal at patraydor na pag-atake ng Zionistang Israel at Imperyalismong Kano sa Iran nitong Pebrero 28 kung saan sa unang atake ay sinadyang patayin (murder) si Iran Ayatollah (Supreme Leader) Ali Khamenie at ang kanyang pamilya (pati na ang kanyang 12-months old na apong babae), iba pang matataas na opisyal ng Islamic Republic, pati na higit 200 inosenteng mga batang babae matapos bombahin ang kanilang iskuwelahan, magulo na ngayon sa buong Middle East.
Ito ay matapos gumanti ang Iran at totohanin ang banta na bawat ‘military facilities’ ng ‘Tadong Unidos sa Middle East ay aatakihin din nila—at ginawa nga nila!
Sa panig ng ating gobyerno, pinipilit tayong pakalmahin sa paglalako ng kasinungalingan na “ligtas” tayo sa atake dahil “hindi” raw base-militar ng mga Kano ang kanilang mga ‘EDCA bases’ dito kaya hindi tayo aatakhin ng Iran. At “wala” rin naman tayong “away” sa Iran.
Ganito rin ang baluktot na katwiran ng mga Arabo. Wala raw silang away sa Iran eh, bakit sila inatake? Resbak ng Iran, bakit naman hindi, samantalang pinayagan ng mga Arabo na gamitin ang kanilang teritoryo para bombahin ng Kano ang Iran.
Kung totoo ang sinasabi ng NSC at DND na “atin” ang EDCA sites, bakit sa tuwing may kalamidad, kailangan pang magpaalam ni AFP Chief General Romeo Brawner sa Pacific Command sa Hawaii bago magamit ang mga EDCA sites? Baka naman kasi, ang AFP ngayon ay ‘American Forces in the Philippines?’
Wala rin naman tayong hayagang away sa China. Pero sa sandalling matuloy ang planong gera ng mga Kano sa China, isa lang ang sagot ng China:
“Pinayagan” ninyong gamitin ng Kano ang ‘Pinas para atakihin kami, kaya damay kayo sa gera!”
“Ogags” din ang naniniwala na Iran ang “bibira” sa atin kung sakali.
Si Ayatollah Khamenei ang “Santo Papa” ng higit 300 milyon Shia Muslim sa buong mundo. Sa kanilang galit at pagdadalamhati, hindi na sila kailangan pang “utusan” ng Iran na gumanti sa mga Kano, saan man sila matagpuan.
Hmm. ilan ba ang mga kapatid nating Muslim?