Advertisers
KUNG si Majority Leader Sandro Marcos ang tatanungin, dumating na ang panahon upang ganap na ipagbawal ang init ng ulo sa kalsada. Kailangan ang lamig ng ulo sa pagmamaneho. Hindi dapat mainit ang ulo sa anumang isyu na haharapin sa mga kalsada, ayon kay Sandro sa isang panukalang batas na iniharap niya sa Kapulungan ng mga Kinatawan.
Hindi kami nagtaka sa pagsumite ni Sandro ng HB 8190, o Anti-Road Rage Act of 2026. Kamakailan napabalita ang nangyari sa batang kapatid na si Vanni na may ugaling magmaneho mag-isap sa NLEX. Hinabol umano ng mga bodyguard ni Bulacan Gov. Daniel Fernando dahil sa ginawang overtaking sa sasakyan ni Fernando.
Nakarating ito kay Jonvic Remulla, kalihim ng DILG. Ipinatawag si Fernando sa kanyang tanggapan sa Camp Crame. Ginulpi umano ni Remulla si Fernando na hindi lumaban kahit napuno ng pasa at bugbog at bugbog at katawan. Hindi pinatotohanan ang balitang ito pero hindi ito ipinagkaila ni Fernando.
Ayon kay Sandro, nais ng kanyang panukalang batas na gawing isang criminal offense ang init ng ulo sa kalsada. Itinatadhana ng kanyang panukala ang parusa sa mga tsuper at pasahero na agresibo at palaaway sa kalsada. Nais ni Sandro na iparating ang mensahe na hindi lugar na panunuwag o panghihiya ang mga kalsada.
Layunin ng HB 8190 na itakda ang ordinaryong paglabag sa trapiko at ang mga paglabag na panganib sa buhay ng tao sa mga kalsada. Binaggit ni Sandro ang isang prinsipyo sa kaligtasan pampubliko: kapag dumaloy ang galit sa lansangan, ang panganib ay hindi lang sa dalawang nag-aaway na nilalang dahil maaring madamay ang maraming pasahero na nasa mga kalsada.
“We cannot allow road rages to continue on our roads, because one reckless decision can turn into a lifelong tragedy for an innocent family,” ani Sandro. Paliwanag ng HB 8190 ang road rage (o init ng ulo sa kalsada) bilang isang “any intentional and aggressive act committed by a driver or occupant arising from a traffic-related incident, carried out to intimidate, threaten, harass, retaliate against, or cause harm to another road user, and creating a clear and present danger to life, limb or property.”
Inilarawan ng panukalang batas ang mga sumusunod bilang road rage: pagmamaneho sa paraan na nagbibigay panganib sa ibang road user at paggamit sa sasakyan bilang panakot, o panunuwag sa ibang tao. Aarmasan ng panukalang batas ang mga awtoridad upang pigilan ang mga away sa lansangan.
Ipinanukala bilang parusa ang imprisonment ng anim na buwan at isang araw at multa mula ng P20,000 hanggang P100,000, kapag nagdulot ng abala, sakuna at kamatayan. Kung magbunga ang road rage ng danyos sa ari-arian at personal injury, itinaas ang penalty sa kulong ng dalawang taon at isang araw sa apat na taon at multa mula P100,000 hanggang P200,000.
***
DALAWANG kagaguhan ang nasaksihan noong Lunes, unang araw ng pagdinig ng House Committee on Justice sa apat na impeachment complaint laban kay Misfit Sara. Pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas ang komite.
Unang kagaguhan: Tinangka ni Kin. Paolo Marcoleta ng Sagip Party List na paalisin si Kiko Dee, lider ng Tindig Pilipinas, sa pagdinig kahit walang sapat na batayan. Nang tanungin ni Luistro kung ano ang batayan, ipinaliwanag na pipitsuging anak ni Rodente na maaaring nanggugulo si Dee, apo ni Cory Aquino. Pinagtawanan ang kagaguhan ng batang Marcoleta. Hindi pumayag si Luistro dahil walang ginawang masama si Dee.
Ikalawang kagaguhan: Tinangka ni Kin. Boy Suntay na ilihis ang talakayan ng inilabas niya ang ang isyu ng maleta kung saan bilyon bilyon piso ang ibinigay umano sa mga mambabatas upang ilubog si Misfit Sara. Kagyat na hinarang ito ni Kin. Terry Ridon ng Bicol Saro Party List na iginiit na walang kaugnayan sa talakayan ang isyu ng maleta.
Hindi pinalusot ni Luistro si Suntay. Hindi pumayag si Luistro na talakayin ang iniharap niyang isyu. Sa huli, tinanggal sa record ang kanyang mga sinabi. Tumahimik a lang siya dahil walang kumampi sa kanyang kagaguhan. Dalawang kagaguhan sa isang pagdinig. Hindi sila umubra kay Luistro na tahasan namin sinasabi na isang magaling na mambabatas.
Itinuturing na parehong walang silbi o pakinabang sa dalawang mambabatas. Hindi sila kilala sa anumang ambag sa malayang talakayan sa Kamara. Pareho silang hindi sineseryoso.