Advertisers
Tuluyang ibinasura ang unang pagpapasipa kay Inday Salakay sa kabang bayan upang bigyan laya ang pagdinig sa ikalawang pagkakataon upang panagutin ang abalang pangulo sa panlulustay sa salaping bayan na nagsilang kay Mary Grace Piattos at mga kapatid na ‘di makita ang pinagmulan. Ang mahikerang abalang pangulo na nagpawala sa P612M na nakapaloob sa pondo ng dating hinawakang kagawaran at kasalukuyang tanggapan ang dahilan sa pagsasampa ng reklamo ng pagpapasipa. Ang kagalingan, natsugi ang inihaing reklamo ganun din ang pondong nagsilang kay Mary Grace Piattos at nagpatuloy sa paglilibot si Inday Salakay sa buong mundo higit ng makulong ang ama sa The Hague upang paharapin o harapin ang usapin ng Extra Judicial Killings.
Sa pagtatasa, tila nasilip ng abalang pangulo na muling isusulong ang pagpapasipa at maagang gumalaw na nagpahayag ng pagtakbo sa panguluhan sa susunod na halalan. Sa inaasahan muling pagpapasipa, inunahan ang galawan sa malawak na kapulugan ng kongreso sa paghahayag ng pagtakbo sa ’28, upang pinturahan bilang galawang politika ang magaganap sa mababang kapulungan, ang pagpapasipa. Iisa ang layon sa maagang pagpapahayag, maging kulay politika ang kilos at ang ipasilip sa bayan ang kamay ng tao sa puno ng Balite ng Malacanan sa magaganap na pagdinig. Sa totoo lang, pinaghahandaan ng kampo ni Inday Salakay ang magaganap na pagpapasipa at ang paghahain ng ikalawang reklamo sa abalang pangulo, at maagang kinausap ang bupete ng matikas na abogadong tagapagtanggol.
Malalim ang upuan ng mga tatayong abogado ni Inday Salakay at ganap na nangyari ang inaasahang paghahain ng pagpapasipa sa abalang pangulo. Wala pa man ang paghahain ng reklamo sa abalang pangulo, nariyan na ang ngalan ng mga tatayong abogado ni Inday Salakay na inaasahang naghahanda sa laban sa darating na pag-uusig. Sa kaganapang pambansa, silip na naghahanda ang kampo ng abalang pangulo dahil sa pahayag ng pagtakbo sa panguluhan sa halalan sa ’28. At inaasahan na ang pahayag ay payo ng mga abogadong magtatanggol ganap na nagsimula ang patak ng metro. Maagang gumalaw ang depensa ng abalang pangulo na ‘di magaganap ang paglalahad kung sarili ang aasahan. Walang lalim at lilim ang kaTimugan at ‘di manggagaling ang galawang banggit kung sila sila ang nagtatalastasan. Ang mailagay sa alanganin ang maghahain at didinig sa usapin ni Inday Salakay ang galawang magbibigay puwang sa kaTimugan na magsalita na ang paghahain ng pagpapasipa’y galawang politika dahil sa banggit na pagtakbo ng abalang pangulo sa susunod na halalan. Maiisip ba ito ng Mangmang ng Katimugan?
Tama ang antisipasyon ng kampo ni Inday Salakay, naganap ang mga paghahain ng pagpapasipa at nakitaan na may dahilan na dinggin ang reklamo sa abalang pangulo ng Komite ng Katarungan. Walang pagdududa na magaganap ang paglilitis at inaasahan na ipapatawag ang abalang pangulo ng komiteng dumidinig upang marinig ang panig at pabulaanan ang reklamong inihain. Sa totoo lang, may pahayag ang Komite ng Katarungan na maaring dinggin ang usapin na nasa harap at ano mang oras ay ipapatawag ang abalang pangulo. Walang banggit kung may sala o wala ang abalang pangulo sa inihain na reklamo subalit nakitaan na may batayan upang dinggin at palalimin ang usaping inihain. At sa totoo pa rin, inaasahan ng abalang pangulo na magaganap ang inaasahan sa galawang maagang pagkuha ng mga tagapagtanggol sa usaping kahaharapin.
Sa paghahanda sa magaganap na pagdinig, hindi mawala sa isip ni Mang Juan ang kahandaan ni Inday Salakay na humarap sa pagdinig sa dahilan sa nakaraan nasilip sa ilang taon ng paninilbihan sa pambansang tungkulin. Hindi maitatanggi na ‘di kagalingan sa pagtugon ang abalang pangulo kahit ito’y isang abogado higit kung nakadarama ng pagkairita sa tanong na ibinabato. Na namalas sa mga nakaraang pagdinig sa paggamit ng pondo ng tanggapan ng abalang pangulo higit ang hinggil sa “confidential fund”. Ganap ang pagkairita sa mga tanong na ‘di ibig sagutin o kung sagutin pabalang ang tugon higit kung ‘di ibig ang nagtatanong.
Sa totoo lang, nagdadalawang isip si Mang Juan kung ganap na haharapin ni Inday Salakay ang usapin na maglalagay sa sarili sa peligro na ‘di makatakbo sa susunod na halalan. O’ sadyang may script na inihanda ang mga abogado na susundin ni Inday Salakay sa antisipasyon ng mga tanong na bibitawan ng taga-usig o uusig. Ang lantarang kamangmangan na katangian ng abalang pangulo ang mabigat na pasanin ng mga tagapagtanggol higit kung may kalaliman ang sagot na kailangan. Ang ‘di pagtanggap ng abalang pangulo sa tinatanong ang mabigat na usapin ng tagapagtanggol na inaasahan na lalabas sa maganap na paglilitis.
Sa pagsusuri, ang paparating na paglilitis ang ganap na magpapanumbalik sa demokrasya na sinalaula sa panahon ng nakaraang administrasyon. Malinaw na bibigyan pagkakataon ang abalang pangulo na linisin ang sarili o ang ngalan kung nadungisan. Nasa harap ang pagkakataon na ipaalam sa taong bayan ang katotohanan sa likod ng mga reklamo at si Inday Salakay ang maglilinis sa sarili. Ang pagharap sa usapin ng may tapang ang tindig na magsasaad ng kawalan ng kasalanan at pawang haka-haka ang salang akusasyon. Sa totoo lang, masasabing kathang isip ang ngalang Mary Grace Piattos. Mapapatunayan ba ni Inday Salakay na malinis ang budhi at walang sala sa kabang bayan?
Sa kung haharapin ang usapin, masasabing may kahandaan si Inday Salakay na ‘di naganap ang salang gawa sa pamahalaan, na ‘di inaasahan ng nakakarami. Sa pagkakataong napatunayan na walang sala, ganap na magbabago ang timpla sa politika sa bansa at makakamit ang ibig sa halalan sa ’28, ang pagbabalik ng tarat este agila ng kaTimugan. Ang humarap sa usapin ang postura ng kawalang kasalanan na inaasahan sa abalang pangulo. Sa tulong ng mga abogado, hindi malayo na makakamit ang ibig subalit iba ang tindig ng may sala.
Sa likod ng isip ni Mang Juan, tatakbo palayo si Inday Salakay at hindi malilinis ang ngalan dahil sa takot sa multong ginawa. Ang panlulustay sa kabang bayan ay ‘di maitatanggi sa harap ng ‘di natigil na paglalakbay sa malayong lupain gamit ang salaping bayan. Hindi pa usapin ang daan daang milyon bayarin sa tagapagtanggol ni Totoy Oblo
Maraming Salamat po!!!!