Advertisers

Advertisers

ALDEN TOP BIR PAYER

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

Isa si Alden Richards na kinilala ng BIR sa celebrities na nangungunang nagbabayad ng buwis sa taong 2025.

Ginawaran ang Kapuso aktor Alden ng parangal sa 2026 Tax Campaign Kick-Off Event ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ginanap sa Jose Rizal Coliseum sa Calamba, Laguna last Saturday, February 28, 2026.

Ayon sa aktor, ang pagbabayad ng tamang buwis ay bahagi ng kanyang komitment sa nation-building at responsibilidad bilang isang mamamayan.

Pinuri siya bilang isang huwarang Pilipino na tapat sa kanyang tungkulin, hindi lamang sa kasikatan kundi sa pag-unlad ng bansa.

Madalas ding magpaalala sa publiko ang aktor na maging responsable sa pagbabayad ng buwis.

Ang komento ng netizens: “Top Tax payer… Mabuti sana kung mapupunta sa pag-papagawa ng mga kalsada at paaralan ang pera niya. Magagamit pa ng mga tao”

“O kaya pampagawa ng mga PUBLIC HOSPITALS na libre lahat. PARA SA LAHAT. Eh yung mga ospital na public like Heart, Kindey, Lung Center at PGH 40 years up na lahat. Maryosep. Samantalang ang population dati 40M lang nun tinayo yan, ngayon 117M na. Same number of hospitals pa din”

“Ang goberyno hindi sumusunod sa batas at walang nakukulong kahit bilyones ang nawala sa kaban ng bayan. Lahat kaya tayo, hindi na rin magbabayad ng tax. Pera natin ito. Ang pera natin ay hindi ginagastos sa mga proyektong imprastraktura na maaaring makinabang sa publiko.”

“Kaya mga politiko dyan! Wag naman ninyo nakawin yang taxes na yan. Pinaghirapan ni Alden yan at lahat ng nagbabayad ng buwis”

“Laki ng ambag siya sa pinangwawaldas ng mga inutil na popolpolitiko. Please stop voting sa mga trapo.”

“Makikita mo ang pag-aalala ni Alden sa mga proyektong kontra-korapsyon at katiwalian. Tungkol naman sa mga kontribusyon niya sa buwis, malamang gusto niya itong magastos para sa mahihirap na Pilipino. Dapat mag-alala ang bawat nagbabayad ng buwis kung saan napupunta ang ating mga buwis. Bahala na ang kurakot!”