Advertisers

Advertisers

Maricar Reyes 10 yrs. bago nagbalik serye

0 21

Advertisers

Ni Anne Venancio

Excited ngunit may halong kaba ang aktres na si Maricar Reyes sa kanyang kauna-unahang serye sa GMA Network na political thriller na Whispers From Heaven.

Aminado si Maricar na matagal na rin nang huli siyang gumanap sa isang teleserye kaya’t may konting nerbyus siyang nararamdaman sa pagbabalik arte sa serye.

Aniya, halos 10 taon na ang nakalipas mula nang magkaroon siya ng major role sa isang serye kaya naman malaking tulong ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa naturang proyekto.

Makakasama ni Maricar sa ‘Whispers From Heaven’ sina Bea Alonzo, Tom Rodriguez, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi kaya naman ikinatuwa nito na muling makatrabaho sina Bea at Tom, na aniya ay parehong propesyonal at magaan katrabaho.

Huling nagkasama sina Maricar at Bea sa 2014 series na Sana Bukas Pa ang Kahapon na ipinalabas sa ABS-CBN.