Advertisers

Advertisers

GELA AT ZAIJIAN SWAK ANG RELASYON

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ang daming nagtatanong kung bakit nakasama raw sa family picture ng Atayde Family ang aktor na si Zaijan Jaranilla.

Dahil sa family intimate gathering ng pamilya hindi napigilang umugong ang intriga online.

Well, noon pa naman ay marami na ang nagtatanong kung si Zaijan raw ba ang rumored boyfriend ng anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde.

Dahil sa kanyang pagdalo wedding anniversary ng parents ni Gela (Sylvia at Papa Art Atayde) sa naturang lalong tumindi ang usap-usapan na malapit na malapit na nga ang aktor sa pamilya ng dalaga.

Ayon sa isang netizen na nagkomento: “matagal na silang magjowa ni Gela hindi lang nila pinapublic”

Anyway, wala namang problema kung sina Gela at Zaijan ay may relasyon na.

They are both single and besides parehong hindi rin nasasangkot sa mga intriga.

Kilala ring napakabait na aktot ni Zaijan, even Gela na napaka-down to earth especially sa friends ng mommy niya kaya naman swak ang relasyon nila ni Zaijian kung meron man.