Advertisers
NAPAPAILING nalang ako nang marinig ko ang interview kay Vice President Sara Duterte hinggil sa malaking problema ng bansa sa walang tigil na pagtaas ng petroleum products dulot ng tensyon sa Middle East
Sabi ni Sara, dapat si Pangulong Bongbong Marcos ay mag-angkat ng petroleum products na hindi galing sa Middle East.
Tama naman ang payong ito ni VP Sara. Ito nga ang ginagawa ni PBBM simula nang pumutok ang giyera sa pagitan ng magkaalyansang US-Israel vs Iran.
Pero hindi naman ganun kabilis yun, na pag-order ay nandyan agad agad. Dahil magkakaroon pa yan ng mga negosyasyon.
Ayon sa Department of Energy (DoE), parating na nga ang mga inangkat nilang langis mula sa Russia, Malaysia, Japan at Indonesia.
At asahan na sa sunod na linggo ang pagbaba ng petroleum products.
Ang napupuna ko lang kay VP Sara, ang banat niya kay PBBM ay bumabalandra lang sa kanya. Kasi nga nung panahon ng kanyang ama, si Digong, wala rin itong nagawa nang sumirit ang petroleum products. Ang tanging naging rason noon ng matandang Duterte ay walang kontrol ang gob ierno ng Pilipinas sa pagtaas ng petroleum products dahil nasa world market ito.
Tungkol naman sa korapsyon, walang kridibilidad si Sara na bumanat sa administrasyon partikular sa flood control anomaly. Dahil nagsimula ang grabeng nakawan sa pondo sa proyektong panangga sa baha nung termino ng kanyang “Tatay Digong”.
At nung panahon ng matandang Duterte, walang nakasuhan at nakulong na magnanakaw sa pondo ng publiko. Kasi ang mga sangkot ay mga kaalyado nila, ang iba ay Chinese nationals pa!
Sa iligal na droga, ang mga nahuli at natodas noong panahon ni Digong ay ang small time drug pushers/adik. Samantalang ang drug lords ay nakakalabas-pasok sa Palasyo ng Malakanyang tulad nina Michael Yang, Peter Lim, Sammy Lim at marami pang Chineses nationals na miembro ng sindikato ng droga.
Kaya nga sa bawat banat ni VP Sara kay PBBM ay talagang mapapailing ka, maliban nalang kung isa kang DDS, papalakpakan mo. Hehehe…
***
Itinalaga ni PBBM si Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DoT), kapalit ni Maria Esperanza Cristina Frasco na naging Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.
Wish natin maayos ni Mathay ang bumabagsak na turismo sa bansa dulot ng napakaraming travel taxe na binabayaran at mga overcharging na transportasyon.
God bless, Philippines!!!