Advertisers

Advertisers

Petisyon ni Sarah Discaya vs Ombudsman at DPWH ibinasura ng SC

0 7

Advertisers

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang petition for certoriari na inihain ng contractor na si Sarah Discaya laban sa opisyal ng Office of the Ombudsman at kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Ito ay kaugnay sa kinakaharap ni Discaya na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation Through Falsification of Public Documents kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects sa Davao Occidental na inihain ni Dizon.

Sa naging sesyon ng Supreme Court En Banc, pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang findings ng Office of the Ombudsman na nakitang may sapat na probable cause para sampahan ng kaso si Discaya.



Sinabi pa ng Kataas-taasang Hukuman na moot o wala nang saysay ang petisyon ni Discaya matapos maisumite na ang mga impormasyon sa Regional Trial Court at maglabas na ng warrant of arrest laban sa kaniya.

Inaakusahan ang kumpanya ni Discaya na St. Timothy Construction Corporation na tumanggap ng kabuuang bayad para sa concrete revetment sa Jose Abad Santos kahit hindi naman pala tapos at nagresulta sa panlilinlang sa gobyerno.



Bukod kay Discaya, kinasuhan din noon ni Dizon ang mga opisyal ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">