Advertisers
HINDI na dapat e-extend pa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Oo! Masyadong mahaba na ang termino ng mga barangay at SK officials. Dekada na ang iba sa kanila sa puwesto.
Nakakaumay na ang mga bugok na opisyales na walang ginawa kundi ang maghintay ng honararia at komisyon sa mga proyekyong pambarangay. Sayang ang taxpayers mony sa kanila. Mismo!
Kaya, Mr. President Bongbong Marcos, Jr. ‘wag kang pumayag na palawigin uli ng Kongreso ang BSKE. Nakailang extend na eh! Dapat nang matuloy ang eleksyon sa Nobyembre 2.
Kapag na-extend uli yan, maliwanag na ‘yan ay paglabag na sa Saligang Batas at sa utos ng Korte Suprema.
Nakasaad sa ating Saligang Batas na ang terino ng bartangay at sangguniang kabtaan ay tatlong taon tulad ng sa mayor, kongresista at gobernador.
Ngunit dahil sa rason na walang pondo ay paulit-ulit na-extend ang BSKE.
Nag-utos narin ang Korte Suprema na dapat nagkaroon ng eleksyon last year, 2025. Pero pinalawig pa ninyo ito ng isang taon dahil sabi ninyo ay walang pondo. Tapos ngayon e-extend na naman? Sobra na yan, Mr. President!
Kapag hinilot uli ngayon ng kongreso ang extension ng BSKE, aba’y hindi n’yo na dapat payagan, Mr. President. nasa inyong mga kamay ang bola eh!
Hind puwedeng idahilan ang oil crisis dahil sa giyera sa Middle East. Paano kung hindi na matigil ang digmaang yan ng mga gagong presidente ng Amerika, Israel at Iran?, hindi narin ba magkaroon ng Barangay at SK elections sa Pinas?
Ang pondo ng BSKE ay nasa General Appropriations Act of 2026. Kaya hindi rason ang walang pondo. May pondo, kinukupit lang ng mga opisyales n’yo. Mr. President.
Magagalit na ang taong bayan, Mr. PBBM, kapag inapburabahan n’yo pa ang panibagong extension ng BSKE.
Ituloy ang BSKE sa Nob. 2, 2026. Period!
***
Kapana-panabik ang araw ng Miyerkoles, Abril 22. Haharap sa pagpapatuloy ng impeachment “mini-trial”, pagsukat sa kaalaman ng mga testigo sa impeachmernt laban kay Bise Presidente Sara Duterte-Carpio, sina Ombudsman “Boying” Remulla, dating Senador Antonio Trillanes at opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa hinihimay na mga akusasyong tagong yaman ng pamilya Duterte (ex-President Digong, VP Sara, Congressman Pulong, Mayor Baste at ng bitka ni Gongdi at anak nitong kiti-kiti).
Sa akusasyon kasi ni Trillanes, may mga joint account ang mag-aama pati ang bitka. Ang daan-daang milyones daw na pumasok sa naturang bank accounts ay galing sa mga iligal na POGO at drug lords.
Kaya kailangan dito ang AMLC para kumpirmahin kung may katotohanan ang akusasyon ni Trillanes, ang taong nagpasok kay Digong sa kulungan ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherland.
Dadalhin naman ni Ombudsman Remulla ang orig na kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Sara na pinadlak noon ni retired DDS Ombudsman Samuel Martirez. Bloodbath ito! Abangan!!!