Advertisers

Advertisers

Direk Rommel Penesa, bilib kay Angelica Jones sa pelikulang “Neophyte 26”

0 4

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG “Neophyte 26” ay isang advocacy film na tiyak na tatagos sa puso ng mga manonood.

Sa pamamahala ni Direk Rommel Penesa and written by Charlotte Dianco, ang pelikula ay pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones.

Gumaganap dito si Derrick bilang si Ned, isa siyang binatang haharap sa matinding pagsubok sa buhay. Makikita rito ang kuwento ng sakit, pangarap, pagmamahal, at sakripisyo para sa kinabukasan.

Si Angelica naman as Nelia, ang mapagmahal at matatag na ina, na handang isakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanyang anak na si Ned. Gagawin ang lahat kahit gaano kahirap, para lang maabot ni Ned ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Bitbit niya ang matagal nang pangarap ng kanyang asawa na si Oscar para sa kanilang anak, haharapin niya ang mga dagok at pagsubok sa buhay.

Ayon sa aktres, kakaibang Angelica ang mapapanood sa kanya rito.

Wika niya, “Ang movie na ito, sa lahat ng eksena ko rito, sa tagal ko nang artista, ito ang pinaka-heavy-drama na nagawa ko. Talagang dito ko inilabas lahat, very timely iyong pag-shoot namin ng pelikula dahil may pinagdadaanan din kasi ako that time. God knows kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko and doon sa story talaga.

“Bilang isang ina, masakit at mabigat sa dibdib talaga na halos mamatayan ka ng anak.”

Dagdag pa niya, “Kakaiba ang role ko rito, kapag napanood nila ang movie na ito, lalabas sila sa sinehan na hindi puwedeng hindi sila iiyak talaga. Itong movie, may iyakan, may love story and drama, and iyong kilig. And of course iyong aral sa mga magulang, teachers and students. And of course, the brotherhood and sisterhood.”

Nagkuwento rin si Direk Penesa ukol sa kanilang pelikula. “Ako po, hindi nyo po naitatanong Tau Gamma po ako. I’m proud to say that I’m part of the Tau Gamma, pero I’m not proud kapag may namamatay (sa hazing).

“Gusto ko lang pong ipakita kung bakit pumapasok sa frat ang mga anak ninyo, mga kapatid ninyo…”

Ipinahayag din ni Direk na bilib siya kay Angelica sa pelikulang ito. “Sana po suportahan nyo ang pelikulang ito, napakagaling nang pagganap ng mga artista rito lalo na po si Angelica Jones… bilang isang ina sa pelikulang ito, maraming matututunan dito, lalo na po ang mga magulang. Makikita rito ang pagmamahal ng mga magulang sa anak.”

Hatid ng Empowerment Productions and Spring Ferry Productions, ang pelikula ay brainchild ni Laguna Board member Angelica Jones. May premiere night ang Neophyte 26 sa April 22, sa Ayala Malls Vertis North, Quezon City, Cinema 3.

Kasama rin sa pelikula sina Elle Villanueva, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Andrea del Rosario, Ronald Adamat, Mike Lloren, Mosang, Lance Raymundo, Maxine Trinidad, Chris Leonardo, at introducing dito si Angelo Jones.