Advertisers

Advertisers

NUNS giniba ang King’s Montessori School sa SGVIL Rising Stars Cup opener

0 13

Advertisers

INUMPISAHAN ng National University-Nazareth School ang kanilang kampanya para mapanatili ang titulo sa pamamagitan ng panalo na 25-16, 25-14 laban sa King’s Montessori School sa Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 Lunes sa La Salle Green Hills Gym.

Natapos ng bituing manlalaro ng Alas Pilipinas Girls na si Xyz Rayco ang laro na may 10 puntos mula sa anim na ace at apat na atake para sa Lady Bullpups, na kinailangan lamang ng 46 na minuto upang masiguro ang panalo.

Umiskor si Jaila Adrao ng siyam na puntos, habang sina Jhaynna Bulandres at Raine Alonzo ay nag-ambag ng walo at pitong puntos, ayon sa pagkakasunud.

Pinangunahan ni Kriska Gendap ang King’s Montessori sa iniskor na anim na puntos, sinundan ni Sharina Lleses na may limang puntos.

Samantala, tinalo ng University of Santo Tomas ang De La Salle-Zobel, 24-26, 25-20, 15-19, sa Pool D.

Umiskor si Nicole Pelaez ng 10 points para sa Junior Tigresses, na nakakuha rin ng tig-8 puntos mula kina Ryzel Laag at Eliz Mechavez.

Jeleanne Laborte may 10 points habang sina Alyanna Valdez at Kylie Celada nagdagdag ng tig-8 puntos para sa Junior Lady Spikers.

Nagwagi rin sa Division 1 ang Immaculada Concepcion College laban sa Canossa Academy, 25-12, 26-24, sa Pool B at St. John’s Institute laban sa De La Salle-Lipa, 26-24, 25-13, sa Pool C.

Sa Division 2, denimolis ng kasalukuyang champion Domuschola International School ang The Beacon Academy, 25-8, 25-8, habang ang San Beda University pinataob ang MGC-New Life Christian Academy, 25-23, 25-19, sa Pool E.