Advertisers

Advertisers

Mga tsuper umalma sa P1,500 ayuda na dapat P5K

0 4

Advertisers

UMALMA ang ilang taxi at jeepney drivers sa Cagayan de Oro City sa P1,500 na natanggap nilang fuel subsidy sa halip na mas malaking halaga.
Nagtungo ang mga driver at operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Northern Minda-nao nitong Lunes upang hu-mingi ng paglilinaw, dahil ina-akala nilang P5,000 ang subsidy.
Ayon kay Bernie Jamaca ng Cagayan de Oro First Taxi Drivers Alliance, maraming driver ang nadismaya at nalito.
Sinabi ni Joel Gabatan ng United Drivers Association na may ilang jeepney drivers na umaasang aabot sa P11,500 ang ayuda, kabilang ang P5,000 mula sa AICS at P6,500 fuel subsidy.
Ayon kay LTFRB-10 Regional Director Aljo Bendijo, ipararating niya sa central office ang reklamo at kinumpirmang P5,000 ang nakalaang fuel subsidy para sa taxi drivers.
Pinayuhan din ng LTFRB-10 ang mga driver na may problema sa e-wallet payouts na direktang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.