Advertisers
NASAWI ang anim katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Urdaneta City, Pangasinan.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang 11-anyos na bata, dalawang babae edad 72 at 59, at dalawang lalaki edad 45 at 42.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang sunog 2:00 ng madaling-araw Abril 20 sa Barangay Nancayasan, kungsaan dalawang bahay ang natupok ng apoy.
Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang fire out 4:45 ng umaga.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at halaga ng kabuuang pinsala.