Advertisers
KINUMPIRMA ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto si Sec. Carlito Galvez Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.
Sinasabing papalitan siya ni Mel Senen Sarmiento.
Si Sarmiento ay nagsilbing kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at inaasahang magpapatuloy sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan.
Samantala, kinilala si Galvez sa kanyang mahabang serbisyo sa militar, kabilang ang pagiging commander sa Battle of Marawi at pagiging Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matapos magretiro, nagsilbi rin siyang peace adviser sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin bilang vaccine czar at COVID-19 task force chief implementer noong pandemya.
Sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsilbi rin si Galvez bilang officer-in-charge ng Department of National Defense (DND) bago muling itinalaga bilang peace adviser. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)