Advertisers
MARIING iginiit ng Department of Justice (DOJ) na may katotohanan ang impormasyon nasa kustodiya na ng bansang Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sa isinagawang pulong balitaan ng DOJ nitong Martes, pinabulaanan mismo ni Justice Secretary Fredderick A. Vida ang mga pagdududa at pahayag nagsasabing hindi totoo ang pagkakaaresto sa dating mambabatas.
Giit ng kalihim, mayroon katotohanan nasa kustodiya na ng naturang bansa si Co kung kaya’t kinukumpirma rin aniya ng Justice Department ang patungkol sa nabanggit na ulat.
Ito’y kasunod nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hawak na ng awtoridad ng Czech Republic ang kustodiya sa akusadong si Co.
Kinumpirma rin ng kalihim na nasimulan na ng pamahalaan ng bansa ang pagproseso upang maibalik patungong Pilipinas ang dating mambabatas nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.
Ibinida naman ni Vida na kumpyansa ang ahensiya na tama ang tinatahak na direksyon ng gobyerno sa pagproseso sa kaso o sitwasyon ni Zaldy Co.
Pinag-aaralan na aniya ang mga legal na opsyon maaring gawin ng pamahalaan para makamit ang layon na maibalik ng Pilipinas ang dating mambabatas.
Kinakailangan daw kasi itong mangyari upang maiharap sa korte ng Sandiganbayan kung saan siya’y kinasuhan ng malversation of public funds through falsifiication, graft, at iba pa kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Tiwala ang Department of Justice na maibabalik sa Pilipinas ang kustodiya sa akusadong si Zaldy Co ngunit aminadong hindi pa sigurado kung kailan ang tiyak na petsa.