Advertisers
HINDI pinayagan na makaalis sa bansa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez para sumailalim ng medical check-up sa Singapore.
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kaniyang inindorso ang reklamo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para i-freeze ang mga assets ng mambabatas.
Ani Remulla, hinihintay lamang nila ang paghain ng freeze order ng AMLC laban kay Romualdez.
Kinumpirma rin ni Remulla na hindi niya pinayagan si Romualdez na bumiyahe sa ibang bansa.
Matatandaang idinadawit si Romualdez sa mga anomalya sa iba’t-ibang flood control projects sa bansa.