Advertisers
AYON! Nagsampa na nga ng demanda si Atty. Manases “Mans” Carpio, mister ni Vice President Sara, sa Qezon City court laban sa pangulo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hepe ng Anti-Money Laundering, at sa tserman ng House Justice Committee matapos maisapubliko ang bank history nilang mag-asawa.
Ang ipinagtataka natin ay hindi isinama sa mga inireklamo si dating Senador Antonio Trillanes na paulit-ulit isinasapubliko ang “hidden wealth” ng mga Duterte partikular itong sa mag-asawang Sara at Mans.
Well, abangan natin kung ano ang magiging resolusyon ng Quezon City RTC sa demandang ito ni Mans laban sa BSP, AMLC at sa mga miembro ng House Justice Committee na silang nag-subpoena para makumpirma kung tunay ngang may tagong yaman ang mag-asawang Carpio na hindi idineklara sa kanilang SALN.
Ayon sa isinapublikong bank history ng mag-asawang Sara at Mans, sila’y nagkaroon ng higit P6 billion bank transactions simula nang maging vice mayor at mayor ng Davao City si Sara at lalo pang lomobo nang maging VP ito.
Ang mga akusasyon ni Trillanes na may bilyones ang mag-asawa sa bangko ay kinumpirma ng AMLC.
Iginigiit ngayon ni Mans na nilabag ng BSP at AMLC ang Bank Secrecy Law sa pagsapubliko sa kanilang bank history nang walang pahintulot o waiver mula sa kanila.
Pero sa Bank Secrecy Law ay may may mga probisyon na maaring ilabas ang bank history ng isang depositor: waiver ng may-ari ng bank account, kapag iniimbestigahan o kailangan ito ng korte, at ng sa impeachment tulad ng kinakaharap ngayon ni VP Sara.
Kaya kaabang-abang ang magigfing resoluston rito ng korte.
Para sa akin, feeling ko, mababasura lang ang demanda ni Mans.
***
Totoo umanong may nakausap si Vice President Sara Duterte para ipapatay sina Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza, at dating House Speaker Martin Romualdez, batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
“So, we know that she really talked to someone, but we want to find out who is that person,” say ni NBI director Melvin Matibag sa isang news forum last Sunday, Abril 26.
Sabi ni Matibag, patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng nakausap ni VP Sara at kung may mga naging hakbang o plano pa matapos ang naturang pag-uusap.
Kabilang ang nasabing insidente sa dalawang impeachment complaints na inihain laban kay VP Sara, bukod pa sa isyu ng “unexplained wealth” at ang maling paggamit ng confidential funds.
Nakatakdang talakayin ng panel ang naturang banta sa susunod na pagdinig sa Abril 29, kungsaan haharap bilang mga resource person si Matibag at iba pang opisyal ng NBI.
Abangan!
***
Muling inulit ni ex-Vice President ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang pagsabing “Hindi ako tatakbo sa national sa 2028 election, hangad ko ang 2nd term bilang mayor ng aming lungsod.”
That means, out na siya sa presidential list. So, ang posible nalang na makalaban ni VP Sara ay si Sen. Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquinio o alin sa Tulfo brothers.
Pero malakas ang kutob kung magbabago pa ang isip ni Leni. Peks man!
God save Philippines…