Advertisers

Advertisers

‘CIDG chief ng Bacolod City protektor ng sindikato sa Negros’

0 16

Advertisers

TINUKOY ni Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Police Major Edgar Tonico, Jr., ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bacolod City bilang protektor ng ‘criminal sydicate’ na kumikilos sa Negros Occidental.

Sa isang press conference nitong Lunes, Abril 27, sinabi ni Remulla na si Tonico ang nagbibigay ng proteksyon sa sindikatong nagpapatakbo ng ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa Bago City at e-sabong (online cockfighting) hub sa Talisay City.

Kinumpirma ni Remulla na si Tonico ay kasalukuyang nasa preventive custody habang tinatapos ang case build-up para sa pagsasampa ng pormal na kaso. Yari ka na, Sir!

“We knew Tonico was involved, so we did not use CIDG or police units from the Negros Island Region during the raids,” diin ni Remulla.

Sa mga naunang operasyon, say ni Remulla, nilinlang ni Tonico ang pulisya upang maprotektahan ang sindikato. Mismo!

Sa isinagawang raid sa pasilidad sa Bago City, naaresto ang 10 Chinese nationals na walang valid na pagkakakilanlan at nailigtas ang 15 Pilipinong manggagawa.

Iisang grupo ang nagmamay-ari ng parehong pabrika ng sigarilyo at ng e-sabong operation sa Talisay City.

Sabi ni Remulla, umaabot sa P5 milyon kada laban ang pustahan sa naturang ilegal na sugal.

Itong e-sabong daw ang dahilan ng mga nakawan ng manok sa Negros. Sa ginawang raid, higit 200 manok panabong ang kinumpiska.

Kasosyo raw ni Major Tonico ang mga kilalang gambling lord sa Negros na sina “Don Robert” at “Makmak”. Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang ito.

Balikan natin si Major Tonico, ‘pag napatunayan sa korte na sangkot nga sa mga iligal at sindikato sa Negros ang opisyal na ito, aba’y dapat siyang sibakin sa serbisyo at i-freeze lahat ng kanyang ari-arian. Mismo!

***

Magpapatuloy ngayon ang impeachment “mini-trial” ng House Committee on Justice laban kay Vice Presidend Sara Duterte-Carpio.

Posible huling pagdinig na ito, at magbobotohan na ang mga kongresista kung ibasura o iakyat sa Senate Impeachment Court ang mga reklamo laban sa ikalawang pangulo ng bansa.

Sa hearing ngayon, haharap ang mga opisyal ng National Burea of Investigation (NBI) partikular si Director Melvin Matibag para kumpirmahin ang bantang pagpapatay ni VP Sara kina Presidente Bongbong Marcos, First Lady Liza at dating House Speaker Martin Romualdez.

Nauna nang sinabi ni Matibag na talagang may taong kinausap si VP Sara para tumapos kina PBBM, First Lady Liza at Romualdez.

Ang taong ito, ayon kay Matibag, ay hinahanap na nila ngayon.

Subaybayan!