Advertisers

Advertisers

Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas

0 4

Advertisers

Naospital ang sampung katao at siyamnapu ang inilikas nang magkaroon ng ammonia leak mula sa isang ice plant sa Barangay 168, Deparo, Caloocan City nitong Miyerkules ng madaling-araw.
Base sa paunang imbestigasyon, walong residente ang dinala ng mga opisyal ng barangay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, habang dalawa pa ang isinugod ng Bureau of Fire Protection.
Naitala ng BFP na nakaramdam ng mabahong amoy ang mga residente pasado alas-4 ng umaga, dahilan upang rumesponde ang mga awtoridad. Naipasara naman ng mga bumbero ang balbula na pinagmulan ng tagas.
Sa isang abiso, hinikayat ni Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga residente at motorista na iwasan ang mga apektadong lugar, kabilang ang mula BF Phase 2 hanggang Deparo Intersection at mula Puregold Intersection hanggang Deparo Intersection, upang maiwasan ang exposure.
Pinayuhan din ang mga residente sa kalapit na lugar na manatili sa loob ng bahay, isara ang mga bintana at pinto, at limitahan ang paglabas hanggang ideklarang ligtas ang sitwasyon. Ang mga kailangang lumabas ay pinayuhang magsuot ng face mask at agad magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital kung makararanas ng pagkahilo o hirap sa paghinga.
“Para sa kapanatagan po ng mga residente, nasa nasabing lugar po ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department upang kasalukuyang rumesponde at maagapan ang sitwasyon,” ayon kay Malapitan.(BR)