Advertisers

Advertisers

Heart Evangelista mas klik na ka-labtim noon ni John Prats kaysa Angel Locsin

0 7

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling nagkita ang dating magkarelasyon na sina Heart Evangelista at John Prats sa vlog na ‘Heart World’ kung saan binalikan nila ang simula ng kanilang matagumpay na loveteam noong early 2000s.

Kwento ni John, bago nabuo ang tambalan nila ni Heart, isa rin sa mga ikinonsiderang maging ka-love team niya noon si Angel Locsin.

Marami umano ang ipinareha sa kanya pero kay Heart niya naranasan ang pinaka-natural na chemistry kung saan hindi nila kailangang pilitin ang kanilang tambalan dahil kusa itong nag-click sa mga viewers.

Aminado naman si Heart na matagal na niyang crush ang aktor bago pa sila maging magkatrabaho. Hindi umano siya nagdalawang-isip na pumila nang matagal sa audition para maging ka-love team ang aktor sa youth-oriented show na G-Mik bilang sina Missy at Yuan.

Para kay John, malaking factor sa kanilang kasikatan ang magkaibang personalidad nila ni Heart. Swak umano ang pagiging simple at makulit niya sa classy at sosyal na image ng aktres.

Ikinatuwa naman ni Heart nang marinig nito mula kay John kung gaano nito na-appreciate ang kanilang loveteam noon. Reak naman ng aktor, bata pa siya noon at hindi niya alam kung paano i-express ang kanyang tunay na nararamdaman dahil si Heart ang una niyang seryosong karelasyon.

Naging emosyonal naman ang dalawa nang maalala nila ang sakit ng kanilang hiwalayan kaya sinunog nito ang kanilang scrapbook.

Mas ikinagulat ni Heart ang pag-amin ng aktor na dumaan ito sa survival era. Pero sa ngayon, parehas na silang masaya sa kani-kanilang pamilya.