Advertisers
UNANG nakadaupang- palad ng inyong ka-uppercut ang isang political bigwig mula Taguig na si Hon. Alan Peter Cayetano noong ‘Araw ng Dabaw’ sa Davao City higit isang dekada na ang nakararaan.
Alkalde pa ng lungsod noon si Mayor Rodrigo Duterte at kanang -kamay niya pa ang mambabatas na ngayong si Senator Bong Go.
Ako ay nakarating sa Davao City sa imbitasyon ni SBG thru Boy Kua (SLN)ng BAP upang ikober ang taunang ligang commercial doon pati na ang exhibition game ng Mayor’s Team na kinabibilangan nina Go, Glenn Edcandor ng Royal Mandaya Hotel,ex- PBA’s laban sa PBA Legends.
Nagsama ang tatlong prolific shooters na sina Go na kumamada ng 12 3-pointers kahit gaano kahigpit ang bantay, flying Escandor at mala-Francis Arnaiz na porma at laro ni Cayetano kung saan ay muntik na nilang talunin ang Legends na kinabibilangan nina Marlou Aquino, Alvin Patrimonio, Johnny Abbarientos , Rodney Santos atbp.
Kaya rin siya naroon ay isa sya sa kumukumbinse tumakbo si Digong para presidente ng Pilipinas.
Sa madaling salita kumandidat nga at nanalo si MRRD at siya pa ang naging running mate. Sa Duterte administration ay ninombrahan siyang Kalihim ng Foreign Affairs hanggang bumalik sa Kongreso at naging Speaker ng HoR.
Kalaunan ay naging Senador ng Republika. Dahil sa inepektibo at biased na dating liderato ay iniluklok ng mayorya si APC bilang Senate President, ang portfolio na ideal sa isang maginoo, abogado at tunay na statesman na madaling ayusin ang mataas na kapulungan sa kanyang angking talino at magiting na diplomatiko.
Bagamat nasimulan ng gusot ay unang araw ng kanyang pagiging SP ay kayang- kaya niyang plantsahin ito upang gampanan na niya ang marapat, tapat at komprehensibong paglilingkod sa bayan.
Ang trajectory ng pag-akyat ni Cayetano ay di malayong umangat pa siya sa katungkulan balang araw..your guess is as good as mine… ABANGAN!!
***
SBG 3×3 BASKETBALL AT VOLLEYBALL TOURNEY SA BICOL ARANGKADA SA HULING WEEKEND NG MAYO.
LAKING kagalakan ng mga kabataan partikular sa mga batang Sitio Bulabog sa Pilar town ng Sorsogon sa Bicol.
Raratsada ang 3×3 basketball tilt under19 at hahataw ang volleyball girls sa Mayo 28, 2026 na kapapalooban ng mga premyong bola, equipments pati na special prizes sa mga mamamayagpag na kabataan sakto ngayong summer sa kabutihang- loob ni Senador Bong Go.
Laking pasasalamat ng mga kabataan sa tulong at malasakit pang- sports ni SBG.