Advertisers
By Dominic Rea
Hindi man tayo imbitado sa katatapos lang na preview ng pelikulang Project Baby ng Regal Films na pinagbibidahan nina Rico Blanco at Sue Ramirez na sinulat ni Joey Reyes at dinirek ni Eric Quizon ay isusulat ko parin ito. Because i love Rico Blanco na nag-ugat sa pagiging fan ko dahil sa kanyang mga kanta eversince. Ayon pa sa kuwento ng isang kaibigan din sa industry, beautiful ang film. Una ay nagu-umapaw daw ang hindi inaasahang chemistry ng dalawa on-screen. Hindi raw typical kilig ang magpapakilig sa atin sa movie kundi kikiligin ka sa mga sitwasyon. Well, dahil nga siguro sa nagko-complement ang personalities nila na isang bubbly girl at isang chill boy. Mamahalin mo raw si Rico lalo in this film dahil kakaiba raw ang pagkakabuo ng character ni Rico na very ideal guy. Iba rin daw ang karakter ni Sue in this film that opens the conversation about modern women na gustong magka-baby kahit walang asawa huh! Sa mga kuwentong ito, it shows that very interesting ang film to watch at isa ako sa manonood nito! Mahusay daw pareho sina Rico and Sue sa movie at naging malaking factor ang naglipanang supporting actors na lalong nagpatingkad at nagbigay buhay pa sa movie!
BOY GROUP NA BILIB GUSTONG MAKA-COLLAB ANG SB19
Hindi biro ang 3 years in this industry while waiting sa kanilang time to shine! Willing to wait ang grupong Bilib under the management of AQ Prime Music. I asked them during the pocket presscon kung anu-ano pa ang kanilang gustong gawin sa kanilang career. Lahat naman sila ay iisa ang naging sagot. Ang patuloy na gumawa ng kanta dahil mahal daw nilang anim ang kanilang ginagawa bilang sing and dance group. In fairness huh. Isa lang daw ang gusto nilang mangyari in the future, ang maka-collab ang sikat na sikat ngayong SB19! Nang tanungin naman sila kung sakaling gagawa naman sila ng isang matinding launching film, since movie producer din naman ang kanilang home studio na AQ Prime, lumabas ang pangalan no Kathryn Bernardo! Wala naman daw imposible dahil pangarap daw nila yun! Pinuri ko rin ang lalong pagiging P-Pop Idols nila dahil in-fairness ay lalo silang naging guwapo at yummy huh! Yun na! Gusto ko lang din sabihin na mahusay silang sumayaw at kumanta! Yun na!