Advertisers

Advertisers

Joshua Garcia limitado ang pinagkakatiwalaan sa showbiz, namimili na rin ng project

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Sa kabila ng narating na tagumpay sa industriya, nagpapasalamat si Joshua Garcia sa mga oportunidad na patuloy na dumarating sa kanya matapos ang mahigit 12 taon sa showbiz.

Sa ginanap na Star Magic Spotlight press conference, binalikan ni Joshua ang kanyang mga pinagdaanang hamon na humubog sa kanya bilang aktor.

Ayon kay Joshua, malaking bagay para sa kanya ang patuloy na tiwala at suporta ng ABS-CBN at Star Magic, na aniya ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng seguridad sa buong takbo ng kanyang karera.

Sa ngayon, mas prayoridad ng aktor ang makatulong sa kanyang pamilya at mabigyan sila ng mas maayos na buhay.

Kabilang sa kanyang mga inaabangang proyekto ay ang bagong seryeng Love Is Never Gone kasama si Ivana Alawi sa direksyon ni Manny Palo. Isa sa mga hindi niya malilimutang bahagi ng proyekto ay ang mga eksenang kinunan sa Morocco, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong mas makilala ang ibang kultura at kapaligiran.

Sa usapin ng pagpili ng proyekto, inamin ni Joshua na mas maingat na siya ngayon. Hindi na lamang umano basta exposure ang kanyang tinitingnan, kundi ang lalim ng karakter at kalidad ng materyal.

“Sa bawat proyekto, hindi lang trabaho ang dala ko. Mas mahalaga sa akin ang mga taong nakakasama ko, ang mga aral, at ang mga alaala na naiipon ko,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa niya, habang tumatagal sa industriya ay mas natututo siyang pahalagahan ang kanyang peace of mind. Aminado rin siya na naging mahalagang aral sa kanya ang pagkakaroon ng limitasyon sa pagtitiwala, kaya mas pinipili niyang ilaan ang oras sa mga taong tunay na sumusuporta sa kanya.