Advertisers

Advertisers

AJ RAVAL IPINAGTANGGOL SI ALJUR ABRENICA SA EXCLUSIVE INTERVIEW KAY CHARO CORDIAL NG MADDOX JEWELRY

0 10

Advertisers

By Rommel Gonzales

Sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakabinabantayang personalidad sa social media at showbiz, mas pinili ni AJ Raval na ilayo muna sa mata ng publiko ang kanyang mga anak. Ito ang isa sa mga personal na rebelasyong ibinahagi niya sa naging pagbisita sa Maddox Jewelry, kung saan nakakwentuhan niya si Charo Cordial habang nagpapasuri at nagbebenta ng ilan sa kanyang mga alahas.

Ayon kay AJ, matagal nilang sinadyang huwag ilantad ang kanyang mga anak dahil nais nila itong mabigyan ng normal na buhay at maprotektahan mula sa mga intriga at negatibong komento sa social media.

Ngunit kalaunan ay napagdesisyunan nilang sila na mismo ang magbahagi ng kanilang mga larawan bago pa ito gawin ng ibang tao.

“Inunahan na po namin. Kesa iba ang unang maglabas ng pictures nila, kami na mismo,” pagbabahagi ng aktres.

Sa panayam, ikinuwento rin ni AJ ang naging kakaibang landas ng kanyang pag-aaral.

Sa edad na 22, natapos niya ang high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) matapos maputol ang kanyang pag-aaral dahil sa madalas na paglipat-lipat ng tirahan at maagang pagtatrabaho. Aniya, naging malaking oportunidad ang ALS hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa iba pang nais makabalik sa pag-aaral.

Naging bukas din si AJ tungkol sa kanyang relasyon kay Aljur Abrenica.

Sa kabila ng mga batikos na kanilang natatanggap, sinabi niyang responsable si Aljur bilang ama at partner. Aniya, hindi nito nakakalimutan ang lahat ng kanyang mga anak at sinisikap nitong maging patas sa pagbibigay ng oras at suporta sa kanila.

Ibinahagi rin ni AJ kung bakit mas pinili nilang manirahan sa probinsya kaysa sa siyudad.

Para sa kanya, mas gusto niyang maranasan ng kanyang mga anak ang simpleng pamumuhay—pag-akyat sa puno, paglalaro sa damuhan, at pagkakaroon ng treehouse—sa halip na puro gadgets at gadgets ang kanilang kinagigiliwan.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa pamilya, ipinatest din ni AJ ang ilan sa kanyang mga alahas.
Isang necklace na regalo ng kanyang kapatid ang kanyang ipinabenta, habang ang diamond earrings na ibinigay naman ng kanyang amang si Jeric Raval ay sinuring mabuti at napatunayang natural diamond, bagay na ikinatuwa ng aktres.

Ayon kay AJ, marami pa rin siyang iniingatang mga alahas na bigay ng kanyang pamilya dahil higit pa sa halaga ng mga ito ang sentimental value na kanyang pinanghahawakan.

Sa kabuuan ng panayam, mas nakilala ng publiko ang mas pribadong bahagi ng buhay ni AJ Raval—bilang ina, anak, partner, at isang taong patuloy na bumubuo ng mas tahimik at mas simpleng buhay para sa kanyang pamilya.

Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si AJ Raval sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.

Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.