Advertisers

Advertisers

Vilma Santos-Recto: “Let my work speak for itself”

0 15

Advertisers

By Mercy Lejarde

Nagbigay ng pahayag si Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto kaugnay ng usapin ng pagkilala bilang National Artist.

Sa katatapos lamang na State of the Province Address (SOPA), nakapanayam ng ilang miyembro ng media si Gov. Vilma at natanong tungkol sa patuloy na panawagan na pagkalooban siya ng National Artist award.

“Again, I’m so grateful and thankful sa lahat ng mga nagsusulong nito para sa akin. Mataas ang respeto ko sa National Artist, sa NCCA at sa ibang namamahala rito. But kung hindi talaga para sa akin at hindi pa time, be it. Tanggap na tanggap ko. If it’s not meant to be, not meant for me,” ani ni Gov. Vilma.

Iginiit din niya na hindi nakabatay sa anumang parangal ang halaga ng kanyang buhay at karera.

“Hindi naman dedepende ang buhay natin dahil sa isang award. Magpapatuloy ang pag-andar at pagpapatakbo ng buhay nang hindi naka-depende sa award. Sa 63 years
years ko sa showbiz, sobrang sapat na marahil yung naging legacy ko, yung naging mga contribution ko at siguro naman ay marahil nasuklian ng tama ng industriya ang mga nagawa ko, by making me the person that I am today. And for that, I will be forever grateful, thankful,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, sapat na para sa kanya ang pagmamahal at paggalang na natatanggap niya mula sa industriya.

“Yung klase din ng respeto at pagmamahal na ibinibigay ng mga co-workers ko sa industriya, mga kapwa artista, nagtitiwalang
producers, writers, at mga fans—lahat sila—more than enough nang award para sa akin,” aniya.

Bilang gobernador ng Batangas, sinabi ni Gov. Vilma na nakatuon siya ngayon sa paglilingkod sa publiko.

“Bilang Ina ng Lalawigan, mas marami pa akong gagawin at ibibigay para sa aming mga constituent. Bilang isang tapat na lingkod-bayan, ito ang priority ko sa ngayon kasama ang aking pamilya at lahat ng mga taong nakasuporta at tumutulong. Nag-e-enjoy ako.

“Magkakaroon pa rin ako ng mga projects o commitment sa showbiz kaya nandiyan pa rin naman tayo. Kaya lang, at this point in time, masaya ako sa public service. Let me do my work here dahil sa mga totoong nakakakilala sa akin, alam naman nila kung paano akong magtrabaho. So again, let my work speak for itself dahil, at the end of the day, history naman ang isa sa magsasabi kung naging mabuti ka, maayos ka, at may mga magaganda at makabuluhan kang nagawa—sa showbiz man o sa pulitika,” pagtatapos ni Gov. Vilma Santos-Recto.

——–

Hatid ng ABS-CBN News sa mga Pilipino ang mga kaganapan at detelyadong diskusyon sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa live special coverage nito ngayong Hulyo 27 (Lunes) na mapapanood sa TV at online.

Pangungunahan nina Karen Davila at Alvin Elchico ang special coverage, kasama ang buong pwersa ng ABS-CBN News sa loob at labas ng Batasang Pambansa para maghatid ng balita at makabuluhang talakayan sa ikalimang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Iimbitahin din ng ABS-CBN News ang ilang eksperto, political analyst, at socio-civic leaders para talakayin ang implikasyon ng talumpati ng Pangulo sa kanyang pamamahala at ang magiging epekto nito sa estado ng bansa sa ekonomiya, pulitika, imprastraktura, soberanya, at serbisyo publiko.

Mapapanood ang special coverage ng ABS-CBN News sa paparating na SONA 2026 ngayong Hulyo 27 simula 3:15 ng hapon sa telebisyon sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at ANC. Eere rin ito online sa Kapamilya Online Live, sa digital platforms ng ABS-CBN News, ANC 24/7 YouTube channel, pati sa iWant.