Advertisers
By ARCHIE LIAO
Sa isang panayam, nagbalik-tanaw si Ashtine Olviga tungkol sa humble beginnings niya sa showbiz.
Aniya, nagsimula raw siya noon sa pa-extra extra hanggang maging miyembro siya ng isang girl group.
Aniya, nahirapan daw siya noon dahil palipat-lipat siya at nakatatlong girl groups.
“Sobrang struggle ko ’yun kasi isa ’yun sa mga weaknesses ko, yung pagkanta at pagsayaw. Yung first love ko talaga is acting,” aniya.
Hirit pa niya, kulang din daw siya sa kumpiyansa sa sarili noon.
“Wala akong bilib sa sarili ko noon sa pagkanta at pagsayaw. Feeling ko, kino-compare ko yung sarili ko sa magaling,” paliwanag niya.
Later, na-realize raw niya na hindi niya dapat ikinukumpara ang sarili sa iba.
“Wala ka talagang competition dito sa showbiz. Sarili mo lang talaga,” pakli niya.“You really have to believe in yourself kasi sa tagal ko sa showbiz, parang ngayon ko lang na-apply ’yon. Sobrang haba nung process,” dugtong niya.
Sa ngayon, goal daw niya ang maging health conscious.
Nakasanayan na raw kasi niyang kumain ng unhealthy o processed foods.
Na-realize raw kasi niya na mahirap at magastos ang magkasakit kaya naman gusto na niyang mag-start ng food regimen para ma-improve ang kanyang kalusugan.
Speaking of Ashtine, mum naman siya kung magkakaroon ng special appearance ang kanyang love team partner na si Andres Muhlach sa kanyang upcoming concert.
***
Mga piling obra mapapanood sa CCP Channel
Ngayong Hulyo, mapapanood na rin ang mga piling obra sa CCP Channel.
Ito ay ilan sa mga dula sa Virgin Labfest (VLF), mga pelikulang iprinudyus ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at finalists sa 37th Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video.
Ang VLF plays na “Kung Paano Ako Naging Leading Lady at Dear and Unhappy ng acclaimed playwright na si Carlo Vergara at “O’Donnell”ni Jerry Ohara ay aarangkada na sa nasabing channel ngayong buwan.
Kasama rin sa curation ang Cinemalaya films na “Wawa”ni Anj Macalanda, “Hiblang Abo” ni Ralston Jover at “My Fake American Accent” ni Onnah Valera.
Sa kategoryang Gawad Alternatibo ay nasa line up naman ang “Si Balong at Si Doro” ni Jenser Recosana, “The Naughty and the Hungry” ni Mark Ellison Dimzon, “Things You Wanted to Say But You Typed It Na Lang Sa Socmed” ni Ja Turla at “Agawan sa Pamana” ni Elijah Dennis Quert M. Magtibay.