Advertisers

Advertisers

Atasha Muhlach nali-link sa anak ng negosyanteng si Ramon Ang

0 8

Advertisers

By Anne Venancio

Usap-usapan sa social media ang mga larawang kuha sa kasal ng negosyanteng si Miguel Tan at Carmela Ang, kung saan nakitang magkatabi at magkaakbay ang aktres na si Atasha Muhlach at businessman na si Jacob Ang.

Ang mga larawan ay ibinahagi sa Facebook ni San Juan Mayor Francis Zamora, isa sa mga dumalo sa marangyang wedding reception na ginanap sa isang ballroom ng Makati Shangri-La.

Sa mga kumalat na litrato, kapansin-pansin ang pagiging close at kumportable ng dalawa, dahilan kung bakit agad itong naging paksa ng espekulasyon online.
Si Atasha ay anak ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach, habang si Jacob naman ay anak ng business tycoon na si Ramon Ang, chairman at CEO ng San Miguel Corporation.

Sa isang panayam noong 2025, inilarawan ni Ramon Ang si Atasha bilang “a very nice lady,” ngunit nilinaw rin niya na magkaibigan lamang sina Jacob at Atasha.

Samantala, si Jacob ay may mga posisyon sa negosyo kabilang ang pagiging special assistant to the chairman ng SMC at involvement sa automotive sector gaya ng Velocita Motors at ilang kumpanyang konektado sa BMW Philippines operations.