“POP ROCK DIVA” Rozz Daniels magpapasaya ng Mall Goers sa Gaisano Capital Masbate, City mamayang hapon
Advertisers
By Peter Ledesma
After ng matagumpay na distribution nila ng manager-friend na si Direk Benny Andaya, ng School Supplies at pagpapakain sa maraming bilang ng batang mag-aaral sa TINAPIAN, Masbate.
Ngayong araw, June 7, at 3:00 PM ay magpapasaya naman si Rozz Daniels, ng mall goers bilang guest performer sa Gaisano Capital Masbate, City. Tiyak na mag-eenjoy ang crowd sa magiging performance ni Rozz sa “SUMMER FASHION SHOW 2026”. At courtesy ni Direk Benny ang guesting niya sa said event. Kaya nagpapasalamat si Rozz sa suportang ibinibigay sa kaniya ni Benny. “Thank you Benny and Frances and of course to the Fashion Show’s organizers here in Masbate City.” Saad pa ni Rozz sa kanyang official FB Page.
Magpo-promote rin si Rozz ng 2026 version at Revival niya ng “Bulong Ng Damdamin” at tiyak na marami ang makare-relate at sasabayan si Rozz sa song na ito na pinasikat ni Ms. Marissa Tubig noong 1982 na hango sa komposisyon ng Iconic composer na si Doc Mon Del Rosario na itinuturing na friend ni Rozz. Kaya abangan mamayang hapon si Rozz Daniels, diyan sa Gaisano Capital Mall. Kasama pala ni Rozz ang american husband na si Sir David Daniels sa Masbate na join din sa pamimigay nila ni Benny ng mga gamit sa eskwelahan. At sa guesting niya mamaya sa Summer Fashion 2026 ay si Sir David ang kukuha sa kanya ng picture at video. Yes very loving and supportive husband si Sir David sa kanyang maganda at multi-talented singer wife na si Rozz Daniels.