Advertisers
INIHAYAG ng Foreign Ministry ng China na bawal nang pumasok sa nasabing bansa si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr., pati na din ang kanyang pamilya.
Ang ban sa kanila na umiiral sa China, Hong Kong at Macau, ay bunsod umano ng mga pahayag ni Teodoro na ayon sa China ay nakakasama sa interes ng China at sa relasyon ng Beijing at Maynila.
“Gilberto Teodoro and his spouse and children are prohibited from entering mainland China, Hong Kong and Macau,” anang statement ng China Foreign Ministry.
Ipinagbawal din ng Beijing sa mga Chinese organizations at indibidwal ang anumang transaksyon, kooperasyon, o iba pang aktibidad kasama si Teodoro at ang kanyang asawa at anak.
“To uphold China’s sovereignty, security and development interests, China has decided to prohibit Gilberto Teodoro Jr. and his spouse and child from entering the Chinese mainland, Hong Kong and Macao, and not allow organizations and individuals in China to engage in any transaction, cooperation or other activities with him and his spouse and child,” ayon pa sa ministry.
Matatandaang isa si Teodoro sa pinakamahigpit na kritiko ng China kaugnay ng mga insidente sa West Philippine Sea. Kamakailan ay tinawag pa niya ang China bilang isang “severe threat” o matinding banta sa seguridad ng Pilipinas.
Anang China, iresponsable umano ang mga pahayag ni Teodoro ukol sa isyu ng mga sigalot sa South China Sea.
Ayon naman kay Teodoro, “Wala akong assets sa China at wala akong balak pumunta doon.” (JERRY S. TAN)