Advertisers

Advertisers

Isa pang senador naghain ng resolusyon para imbestigahan ang pagkamatay ng 2 Ateneo athletes

0 2

Advertisers

PINAIIMBESTIGAHAN na rin ni Senador Bam Aquino ang pagkamatay ng dalawang myembro ng Ateneo Men’s Basketball Team na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

Inihain ni Aquino ang isa pang resolusyon na humihimok sa kaukulang komite sa Senado na silipin ang pangyayari sa pagkasawi ng dalawang atleta matapos ang ginawang off-campus activity sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes.

Layon ng imbestigasyon na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan at mga mekanismo ng pananagutan ukol sa mga aktibidad at sports programs ng paaralan na ginagawa sa labas ng mga campus.



Susuriin sa imbestigasyon kung sapat at naipatutupad ng tama ang mga umiiral na batas, regulasyon at mga patakaran ng mga institusyon na nakasasaklaw sa mga aktibidad na inorganisa ng mga paaralan.

Rerepasuhin din ang mga umiiral na patakaran para sa mga off-campus activity kabilang na rito ang pahintulot ng magulang, mga safety protocol, sapat na superbisyon, mga hakbang sa emergency response, koordinasyon sa mga lokal na awtoridad at mga hakbang para sa proteksyon ng mga estudyante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">