Advertisers

Advertisers

CLAUDINE, BOY2 AT VANDOLPH MAY MGA NATUTUNAN MULA KAY MANG DOLPHY, HOME ALONG DA RILES: DA REUNION MAPAPANOOD NA SA MGA SINEHAN!

0 2

Advertisers

By Rommel Gonzales

Sa recent guesting sa Fast Talk With Boy Abunda nina Claudine Barretto, Boy2 Quizon, at Vandolph ay nagbahagi sila ng kuwento tungkol sa pagkakabuo ng bago nilang pelikula, ang Home Along Da Riles: Da Reunion na mapapanood ngayong June 17 sa mga sinehan.

Lahad ni Boy2, na direktor ng pelikula, “Meron kaming pino-promote na product tapos sabi ni Vandolph sa akin, ‘Let’s think of something, gawa tayo ng content, punta tayo sa riles.’

“May pinuntahan kaming riles sa Sucat, hawak-hawak namin yung product tapos may ginagawa kami nito tapos nagulat kami biglang napuno yung mga tao sa riles tapos nag-viral tapos dun na nag-start.”

Mas lalong nabuo ang plano nila noong nagkita-kita sila sa binyag ng anak ni Smokey Manaloto na kasali rin sa pelikula

Kuwento pa rin ni Boy2,, “Two weeks after that, nagkaroon ng binyag yung anak ni Kuya Smokey.

“That time, kasama naman namin sila Tita Nova [Villa], sila Tita Ces [Quesada] tapos dumami.”

Sinabi naman ni Claudine na ang publiko, ang mga tao, na ang humiling sa kanila na magkaroon ng reunion project matapos makita silang sama-sama sa nasabing event.

“Kumbaga ang public na ang humingi sa amin,” sinabi ni Claudine.

Pinuri naman ng aktres ang dedikasyon ni Boy2 bilang direktor ng pelikula, na nakuha raw ni Boy2 ang dedication ni Mang Dolphy na orihinal na kasali at bida sa Home Along Da Riles TV series noon.

“Ang nakuha ni Boy2 yung pagiging perfectionist ni Tatay [Dolphy], namana.

“Si Tatay one hundred percent, ikaw [Boy2] one hundred fifty percent,” bulalas ni Claudine.

“Nakaka-proud si Boy2 dahil pinaghirapan niya talaga itong pelikulang ito. Talagang bawat shot, binigay niya lahat-lahat.”

Nagkuwento rin kay Kuya Boy ang tatlo tungkol sa mga natutunan nila sa yumaong Comedy King na si Mang Dolphy.

Sinabi ni Claudine na ang pagpapahalaga sa mga katrabaho ang natutunan niya sa Hari ng Komedya.

“Sinabi ni Tatay ito, ‘When you meet a person anak, tandaan mo mayroon ka dapat impact na naiiwan sa taong yun. You have to make them feel special.’”

Kababaang-loob naman raw ang natutunan ni Vandolph sa kanyang ama.

“Of course I grew up with my dad ever since. Pero pinaka number one na tinuro sa akin ng tatay ko is humility. Always keep your feet on the ground, kahit saan ka magpunta,” pahayag ni Vandolph.

Halos ganun rin ang sinabi ni Boy2…

“Grounded. Kasi si Lolo laging ganoon, e. Always be grateful, grounded. Tapos importante din yung kailangan mo ring makisama.”