Advertisers

Advertisers

Doc Lawrence Sembrano, sumabak sa pag-arte sa “Itanong Natin Kay Dok Larry”

0 8

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

ANG health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry” ay nagsimula na last Saturday, 4:30 pm. Tampok dito si Dr. Lawrence Nubla Sembrano, na siyang gumaganap bilang Doc Larry.

Ito ay isang informative series na tatalakay sa usaping pangkalusugan, ang setting nito ay sa isang barangay health center. Ito’y mag-eeducate sa viewers at makikita rin ang misconceptions ukol sa health.

Mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr., napapanood ito sa Facebook, YouTube, at TikTok.

Hindi na bago kay Doc Larry ang paglabas sa TV dahil nakalabas na rin siya sa “Wagas,” “Dear Uge,” at lately sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin. Siyempre, ang papel niya sa mga paglabas dito ay bilang isang doctor din.

Bukod kay Doc Larry, kasama sa cast ng Itanong Natin Kay Dok Larry sina Divine Villareal bilang si nurse Gracia, Tabs Sumulong sa papel na Kapitana Lourdes, Jalyn Taboneknek bilang si Aling Tere, Bonn Lentejas as Emman, Anki Gray as Mang Domeng, at ba pa.

Paano niya ide-describe ang kanilang show?

Tugon ni Doc Larry, “Isa itong medical series narrative, it’s a medical advocacy na ginawan ng narrative nina Direk (Roman), para mas maka-connect sa mga common people. Kasi kung masyado tayong technical, baka hindi masyadong maano ng mga tao… ang mapapanood dito ay parang real life scenarios, tapos in-inject-an natin ng mga misconceptions about health, etcetera.”

Ayon pa kay Doc Larry, one time ay nagka-usap sila ni direk Roman at dito nabuo ang concept ng kanilang show. Naisip nilang gawing light o may halong comedy ang presentation nito sa viewers.

Aniya, “So iyon nga, ginawan nila ng concept at nagustuhan namin, maganda ang lumabas. Sabi ko, ‘Parang wala pa yatang gumagawa niyon.’ Iyong may kuwento, kasi iyong iba ay technical lang, iyong iba may kuwento. Kaya sabi ko, ‘Sige tayaan natin.’ Ako iyong doctor from the narrative, pero iyong mga colleagues ko from the hospital will explain more about … halimbawa ay dengue, leptospirosis. Bale, in-interview sila at the end of the episode para ma-clarify kung ano iyong misconceptions, kung ano iyong topic, at iyong mga tanong ng masa.”

“I want to leave a legacy kasi sa community, sa Filipino people, that will last,” wika pa niya.

Si Doc Larry ang President at CEO ng Our Lady of Grace Hospital, Inc. Siya ay isang family medicine doctor at mula sa pamilya ng mga doctor.

For updates sa naturang programa, maaaring mag-follow sa kanilang FB account sa link na: https://www.facebook.com/share/14ebuB2BXz6/