Advertisers

Advertisers

Belle, aminadong todong magmahal

0 2

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Hindi ikinaila ni Belle Mariano na isa siyang foodie.

Katunayan, bet daw niya ang kumain ng seafoods.

Paborito raw niyang pagkain ang alimango.

Bukod sa seafoods, mahilig din daw siyang kumain ng street foods tulad ng fishballs, kwekwek at iba pa.

Sa tsikahan nila ni Ivana Alawi sa isang mukhang session, first impression raw niya noon sa YouTuber ang pagiging suplada o nakakatakot kausapin.

Pero, up close and personal, nang makilala raw niya ang “Love Is Never Gone” star ay napaka-humble at down to earth nito.

Hindi rin niya ikinaila na isa sa insecurities niya ay ang ilong niya na diumano’y namana niya sa kanyang tatay.

Gayunpaman, natuto raw siyang tanggapin ang kanyang imperfections kaya hindi niya ikinahihiya ang mga ito.

Sinabi rin niya na siya iyong tipong may pagkaselosa pero ang lahat daw naman ay nasa lugar.

Mahilig daw siyang mag-shopping pero hindi raw naman siya maluho dahil pinipili niya ang gusto niyang bilhin.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, inamin din niya na todo siyang magmahal.

Puwede rin daw ihalintulad ang kanyang buhay pag-ibig sa sisig na maanghang at spicy.

Naniniwala rin siya sa destiny at sa pananaw na may mga taong darating sa buhay mo para magturo ng leksyon.

Mahirap na rin daw maibalik ang tiwala niya kapag na-break na ang trust niya sa isang tao.

Favorite character daw niyang nagampanan ang role ni Cheska sa “Tayo Sa Wakas” dahil may similarities sila sa tunay na buhay.

Pangarap din daw niyang makatrabaho si Judy Ann Santos na isa sa mga idolo niya.

Kung dati raw naman ay naaapektuhan siya ng bashers, ngayon daw ay natuto na siya kung paano dedmahin ang mga ito.

Na-realize rin niya na hindi nakasalalay sa mga ito ang balidasyon niya bilang tao at public figure.

Bet daw niyang gumawa ng horror movie.

Kung hindi raw naman siya isang artista, marahil daw ay nag-aaral o nagpapakadalubhasa siya sa pag-aaral ng psychology .