Advertisers

Advertisers

WALANG AANIHIN SA SALANG GAWA

0 6

Advertisers

Lumamig ang panahon sa pagpatak ng ulan na tila sablay ang pagsasaad na magtatagal ang mainit na panahon sa bansa, dahil sa El Nino. Iilang panahon nadama ang maiinit na panahon na dahilan upang lumabas ng bahay ang mga kalalakihan ng walang suot na pang-itaas at patuloy ang paggamit ng abaniko o pamaypay. Sa totoo lang, nagdadalawang isip si Mang Juan kung ganap na mapuputol ang El Nino at papasok ang tag-ulan. O’ tapos na ang tag-init na panahon na kapara ng nagaganap sa senado na binuhusan ng malamig na tubig sa pagdalo ng dating kapanalig ng maiinit na Kaldero na nagbabanal banalan at nagsasanto santohan. Subalit, patuloy na nagpupumiglas ang kawan ng banal banalang si Kaldero na ‘di ibig ibigay ang nilutong liderato sa kapulungan, kahit ganap at kinikilala ng ibang sangay ng pamahalaan ang bagong mayorya at pangulo ng senado.

Sa pagmamasid ganap na ‘di sumusuko ang mainit na pinalitang mayorya at maraming balak na gawin ngunit nag-aalangan sa pagkilala ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa bagong liderato. Nasilip ng bayan ang ambon na ‘di nagawang mabasa ng asul na laso na pinangungunahan ni Makulet-ah ang pasilyo ng kapulungan sa takot na masampahan ng kaso. Malinaw sa dating mayorya ang kinalalagyan ngunit ‘di tanggap na sa iilang araw nalibak ang pagkatao sa ngalan ng mainit na pagnanasa sa kapangyarihan. Hindi natuloy ang pagdadabog, pagtatalak, pag-uha na walang luha, dahil ‘di napanghawakan ng may katagalan ang kapulungan na ‘di kanila. Todo ang pasalamat sa mangmang na kalbo na lumitaw sa kapulungan na kagyat na nawala ngunit napag-usapan. At ‘di maisasantabi ang bobong atab ni Batman na nagpagamit dahil sa salang kamangmangan sa lider ng kulto mula sa kaTimugan. Ang masakit, tila makakasuhan sa pagpapatakas kay Telly Savalas na nagtatago sa hustisya.

Maghanda sa balik o rest back ng kaTimugan higit sa tahimik na nagkamal ng bilyon bilyong piso mula sa bayan. Walang paglalagyan ang salaping nakulimbat at ang itustos upang makaupo sa pwestong ibig ay ‘di panghihinayangan. Ang masakit, naniniwala ang mangmang ng kaTimugan sa pangunguna sa mga survey na dahilan na tustusin ang salaping ‘di kanya ng makuha ang nais sa kinabukasan. Walang bale ang salaping ‘di pinaghirapan sakaling palarin, na ‘di mangyayari, ang mangulimbat ay kay dali. Sa totoo lang, ang mga natikmang kapangyarihan ang bumulag sa kaTimugan at mga alipores na sila ang batas at makapangyarihan. Ang panlililo sa kapwa higit sa tao sa laylayan na karaniwan sa kaTimugan na ‘di pagsisihan. Ganap na walang makitang kamalian sa mga mangmang ang mga bulag na tagasunod dahil sa pakinabang na ‘di napanghawakan.

Sa pagsusuri, ayusin at gawin ang paghahanda higit sa paggamit ng salaping bayan na ibabato sa administrasyon higit ng mga taong napanagot sa usapin ng kurakot. Ang mga abutan ng maleta’y ‘di titigil sa mga inaakusahan sa kasalukuyan at umasa na lalago o dadami ang ngalan na isasangkot sa anomalya. Sa pagtakbo ng mga araw at sa ‘di natuloy na pagdinig ng asul na laso, kapansin pansin ang mga lumang ngalan at mukha na kasama sa mga gumagalaw upang yanigin ang pamahalaan. Silip ang paglabas ng ilang kalatas na nagtuturo sa tao sa puno ng Balite ng Malacanan at ang panghihikayat sa sandatahan lakas na bumitaw sa kasalukuyang pamahalaan at pangunahan ang pagpapalit sa liderato sa bansa. Ito’y ilan sa mga panimulang kaganapan na napansin na ‘di dapat baliwalain.

Sa totoo lang, maraming usapin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan subalit natakpan ng kaganapan sa senado na higit ang pakinabang ng kaTimugan. Ang lumamyang pagtanggap ng Pinoy sa usapin ng pagpapasipa kay Inday Salakay na nilunod sa pagsangga ni Kaldero’y ganap na ikinatuwa ng kaTimugan. Malinaw na may basbas ang paglitaw ni Telly Savalas sa senado at ang dagling paglaho’y mga sukat na galawan. Ang hiwaga ng salaping hawak ng kaTimugan ang balakid na nagpapatagal sa usapin ng pagpapasipa at malamang na makakahulagpos sa paggamit ng banggit na Mahika mula sa kabang bayan. Walang galawan sa politika sa kasalukuyan kung hindi sabit ang kaTimugan na sadyang gawa upang ‘di mawala ang kasalukuyang kaayusan sa bansa. Sa laki ng salaping pinagagalaw ng kaTimugan sa media at social media, walang hindi mauulat higit sa bigat ng pangangailangan ng Pinoy sa pantustos sa mahal na bilihin.

Ang karangyaan sa buhay na tinatamasa ng mga halal na opisyal sa pamahalaan, ang ‘di ibibigay sa iba sa dahilan na ito’y ikabubuhay sa matagalang panahon. Ang sarap na nalasap, sino ang ‘di uulit higit kahit sa sandaling panahon na naging puno ng senado ang Kaldero. Alamin ang laki ng tustusin ng bayan sa ilang araw na pamumuno ni Kaldero na ‘di nagawang magkaroon ng tamang trabaho dahil sa mga gawang kaganapan. Ganap na naduhagi ang bayan sa mga kaganapan sa bugok na kapulungan na ‘di mabatid ang katotohanan dahil sa usok ng mga kasinungalingan. Samantala, ang hirap na ‘di mawatas ni Mang Juan kung bakit kailangan siya ang pumasan ng hirap habang ang mga halal ng bayan ay namumunini sa kaginhawahan.

Mahabag kayo sa bayan, matagal ng naghihirap ang tao sa laylayan habang ang mga halal ng bayan salapi ang pinag-aawayan, bilyon bilyong halaga. Mabigat ang loob sa mga opisyal ng bayan na ang taguri sa mamamayan ay palamunin gayung sila ang may sala sa paggamit sa salaping bayan. Hindi hawak ni Mang Juan ang mga proyekto ng imprastraktura, hindi hawak ni Mang Juan ang salapi sa kalusugan, ‘di hawak ni Mang Juan ang salapi na pantustos sa kagalingan ng bayan. Ang gawa ni Mang Juan, ang mag-ambag sa tustusin na kayong mga opisyal ng bayan ang nagtukoy ngunit ‘di bumaba sa bayan at palamunin ang taguri sa amin.

Umasa na walang mabuting aanihin ang salang gawa at masakit ang balik. Ang dunong na gawa sa sala’y sa kulungan ang pinatunguhan at ang kaganapan na ‘di mapagtatakpan. Silip ng bayan ang nakapinid sa kulungan na mataas na opisyal ng bayan na tinalikuran ang katarungan dahil sa salang programa laban sa droga. At ang mga nagmalabis sa salaping bayan, lumipat ng kapulungan tungo sa kulungan at ngayo’y kakosa ng bahala at sige-sige. Ganap na napakasakit, ang inaaning kabiguan sa buhay na pasan ng lahi dahil sa pagpapasasa sa salaping bayan.

Maraming salamat po!!!!