Advertisers

Advertisers

Sa pagkalunod ng dalawang manlalaro: EX-ATENEO CAGERS LUMUTANG SA CIDG

0 1

Advertisers

DUMATING sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame nitong Martes, Hunyo 16, ang ilang dating manlalaro ng men’s basketball team ng Ateneo de Manila University kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Kabilang sa mga nakita sa CIDG sina Anton Asistio, Mike Nieto, Geo Chiu, Kyle Ong, Tyler Tio, Lars Fjelvang, Dom Escobar, Kymani Ladi, at Josh Lazaro.
Wala sa kanila ang nagbigay ng pahayag sa media.
Nasawi sina Baterbonia at Adili nang tangayin umano ng malakas na agos habang nagsasagawa ng training activity sa baybayin ng Dipaculao noong Hunyo 8.
Ayon sa CIDG, nakatuon ngayon ang imbestigasyon sa posibleng kasong homicide o hazing. Sinabi rin ng ahensya na ang aktibidad ay isinagawa sa isang liblib na lugar na nasa humigit-kumulang 300 metro mula sa beach resort kungsaan naka-check in ang koponan.
Sinisiyasat din ng CIDG ang mga alegasyon ng kuwestiyonableng training practices sa ilalim ni dating head coach Tab Baldwin.
Samantala, humingi na ng paumanhin si Baldwin sa pagkamatay ng dalawang manlalaro sa isang video na inilabas sa social media ng Ateneo apat na araw matapos ang insidente. (M. Obleada)