Advertisers

Advertisers

Truck driver nakatulog, bumangga sa bangketa: 3 patay

0 2

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao at dalawa ang sugatan nang mawalan ng kontrol at araruhin ng isang delivery truck ang bangketa sa bahagi ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, 4:00 ng hapon ng Lunes.
Sa imbestigasyon ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na human error ang sanhi ng insidente.
Sinabi ni PSMS Nerissa Sulit ng Taytay MPS, mismong ang driver ng truck ang nagsabing nasa maayos na kondisyon ang kanilang sasakyan at nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa sunod-sunod na biyahe.
Kita sa CCTV ang mabilis na takbo ng nasabing truck hanggang sa bumangga ito sa isang tindahan at talyer.
“Tumawag po yung anak ko na, ‘Ma, punta ka rito. Yung tindahan natin.’ Tumakbo po ako rito. Nakita ko, may patay po diyan. Naaano lang kami kung paano na yung tindahan namin,” ani Marivic Derojo, may-ari ng tindahang nasira.
Ganito naman ang kuwento ng tiyuhin ng isa sa mga biktimang nasawi:
Reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injury, at multiple damage to property ang kahaharaping reklamo ng driver na nasa kustodiya na ng pulisya.