Advertisers
KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nasa Mindanao si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Sinabi ni Remulla na alam ng pamahalaan kung nasaan si Dela Rosa at kasalukuyang pinag-uusapan ang paraan ng kanyang turnover.
“Bato is in Mindanao, we pretty well know where he is,” pahayag ng DILG chief.
“We are negotiating for his turnover, kasi otherwise we come in with a hard hand and there will be body bags involved,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung bakit hindi na lamang gamitin ng pamahalaan ang kapangyarihan nito upang hulihin ang senador katulad ng mga sinasabi ng mga kritiko, binigyang-diin naman ng kalihim na posible itong gawin.
Ngunit iginiit ni Remulla na mas nais ng pamahalaan na makipag-usap para sa turnover ni Dela Rosa kaysa magsagawa ng operasyong maaaring magresulta sa madugong komprontasyon.
“Pwede naman, but when they ask me to do it, sabi ko, ‘Yes, I can do that, but prepare me 10,000 body bags,’” pahayag ni Remulla.
“So, prepare me, prepare me 10,000 body bags and my men will go in,” pag-uulit pa niya.
Hindi naman binanggit ni Remulla ang eksaktong lokasyon ng senador o kung kailan inaasahang matatapos ang negosa-syon.