Advertisers
PINATAWAN ng Sandiganbayan Third Division ng 90-araw na preventive suspension si Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder.
Sa resolusyong inilabas noong Oktubre 19, iniutos ng anti-graft court ang suspensiyon ni Marcoleta, na magsisimula sa oras na matanggap niya ang nasabing resolusyon.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y P75 milyong ill-gotten wealth na hindi idineklara ni Marcoleta sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ayon sa mga alegasyon sa kaso, natanggap umano ni Marcoleta ang naturang halaga mula sa dating kongresistang si Mike Defensor at negosyanteng si Aristotle Viray noong siya ay kinatawan pa ng SAGIP Party-list.
Pahayag ng Sandiganbayan, awtomatikong matatapos ang suspensiyon sa pagkalipas ng 90 araw.
Samantala, klinaro ng korte na hindi maaapektuhan ng suspensiyon ang mga tungkulin ng Senado bilang isang collegial body.